October 09, 2024

Home BALITA National

Legal counsel ng KOJC, pinagso-sorry ang 'Chooks-to-Go' dahil sa advertisement nito

Legal counsel ng KOJC, pinagso-sorry ang 'Chooks-to-Go' dahil sa advertisement nito
photos courtesy: Atty. Mark Tolentino/FACEBOOK

Nanawagan ang legal counsel ng Kingdom of Jesus Christ (KOJC) na si Atty. Mark Tolentino na i-boycott ang "Chooks-to-Go" dahil sa "irresponsible and unethical advertisement" umano nito.

Sa isang Facebook post ni Tolentino nitong Martes, Setyembre 10, sinabi niya na "irresponsible and unethical" ang advertisement nito at kinokonsidera raw ito bilang "cybercrime."

"Boycott natin ang Chooks-to-Go! This is an Irresponsible and unethical advertisement and considered as a Cybercrime!" aniya. 

Dahil dito, pinagso-sorry niya ang Chooks-to-Go dahil kung hindi ay mahaharap ito sa kaso.

National

Apollo Quiboloy, naghain ng COC sa pagkasenador: ‘Dahil sa Diyos at Pilipinas’

Samantala, deleted na ang post ng Chooks-to-Go.

Habang isinusulat ito, wala pa silang pahayag o public apology tungkol sa advertisement nila.