Nanawagan ang legal counsel ng Kingdom of Jesus Christ (KOJC) na si Atty. Mark Tolentino na i-boycott ang "Chooks-to-Go" dahil sa "irresponsible and unethical advertisement" umano nito.
Sa isang Facebook post ni Tolentino nitong Martes, Setyembre 10, sinabi niya na "irresponsible and unethical" ang advertisement nito at kinokonsidera raw ito bilang "cybercrime."
"Boycott natin ang Chooks-to-Go! This is an Irresponsible and unethical advertisement and considered as a Cybercrime!" aniya.
Dahil dito, pinagso-sorry niya ang Chooks-to-Go dahil kung hindi ay mahaharap ito sa kaso.
Samantala, deleted na ang post ng Chooks-to-Go.
Habang isinusulat ito, wala pa silang pahayag o public apology tungkol sa advertisement nila.