'PLS PARENTS BE CAREFUL SINO PINAGBABANTAY N'YO SA ANAK N'YO!!!"
Viral ang isang post patungkol sa isang nanay na naalarma sa nakita niyang likido sa ari ng anak na pinaalagaan umano sa tatay ng kaniyang kinakasama.
Bagama't "anonymous sender" umano ang nagpadala nito sa page na "Blah blah" at hindi tiyak kung totoo o hindi, maraming netizens ang naalarma tungkol sa maselang sitwasyong natuklasan ng ina sa ari ng kaniyang anak na babae nang bigla siyang umuwi sa kanilang bahay dahil sa dinaramdam na sakit ng isa sa mga anak niya.
Kuwento ng anonymous sender sa post nitong Miyerkules ng hapon, Setyembre 11, pareho silang may trabaho ng kaniyang partner kaya ang naiiwang mag-alaga sa kanilang mga anak ay lolo ng mga anak niya, o tatay ng kaniyang partner.
Hindi mapakali ang nanay dahil siguro sa lagnat ng kaniyang anak kaya minabuti niyang magpaalam sa team leader ng pinagtatrabahuhan at umuwi na siya sa boarding house nila.
Pagkauwi niya, nadatnan niyang basa ang ari ng anak, at nang tingnan niyang mabuti ito, nakita niyang tila semilya ito.
Nang tanungin niya ang lolong nagbabantay, sinabi nitong ihi lamang daw iyon ng kaniyang anak. Nang pinunasan daw niya ang ari ng anak ay dumating itong masakit daw.
itinakbo nila ang bata sa isang pampublikong ospital upang ipasuri, subalit ang sabi raw ng ospital, maglalabas lamang sila ng resulta kung may blotter o request mula sa pulisya.
Sa dulo ng post, humihingi ng tulong o payo ang ina kung anong proseso ang dapat niyang gawin dahil hindi talaga siya makampante.
"Nang makapasok na ako, nagtataka ako dahil nakahiga lang ang mga anak ko sa kama at gising naman sila. Ang napansin ko talaga ay ang bunso kong anak, wala siyang short at basang-basa ang ari niya."
"Kaya dali-dali akong lumapit at pinunasan siya. Sabi ng Lolo nila na umihi daw siya, pero nang hawakan ko, naamoy ko ang sp*rm ng lalaki. Kaya chineck ko agad ang anak ko, mga mhie, at grabe, bagong-bago pa yung sp*rm, buo-buo pa yung mga puti na umabot hanggang likuran ng anak ko."
"Agad kong tinanong ang Lolo nila kung ano 'yun at bakit may ganoon sa ari ng bata. Ang tanging sagot niya lang ay ̶i̶h̶i daw yun."
"Hindi ko na alam ang gagawin ko kundi umiyak..."
"Pinunasan ko yung ari ng anak ko at sabi niya masakit daw..."
"Ngayon, nandito kami sa public hospital para ma-check ang anak ko, pero ang sabi, hindi daw maibibigay ang resulta kapag wala pang police request o blotter."
"Pero gusto ko na talagang malaman, mga mhie, please. Anong madaling paraan para malaman ko agad?"
"Salamat please help me para mapadali ang process!"
TINGNAN: Blah blah - PLS PARENTS BE CAREFUL SINO PINAGBABANTAY NIYO SA... | Facebook
Sa comment section naman ng post ay tila nagbigay ng update ang page na tila nagre-request ang anonymous sender na i-delete na lamang ang ipinadalang post dahil aayusin na lamang daw nila sa loob ng kanilang pamilya kung anuman ang isyung ito.
Ngunit huli na dahil nag-viral na nga ang kaniyang nais isangguni. Habang isinusulat ang artikulong ito ay umabot na sa 167k reactions, 112k shares, at 30.3k comments ang post.
Marami sa mga netizen ang nag-tag na sa iba't ibang official Facebook pages ng ahensyang pampamahalaan gaya ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) para umano tutukan ang post na ito.
Samantala, pinayuhan naman ng mga netizen ang nanay sa post na kung totoo man ito, huwag ipagwalang-bahala ang mga ganitong senaryo.
---------------------------------------------------------
Disclaimer: Bagama’t ang kuwentong ito ay inaako ng may-akda na mula sa tunay na pangyayari, hindi maaaring kumpirmahin o itanggi ng Balita ang katotohanan sa mga detalye at impormasyong nakasaad dito.