Nagpadala ng sulat si Vice President Sara Duterte kay House Speaker Martin Romualdez ngayong Martes, Setyembre 10, ang araw kung kailan nakatakdang dinggin ng Kamara ang proposed budget ng Office of the Vice President (OVP).
Sa ipinadalang sulat ng OVP, inihayag ni Duterte na ipinadala na ng OVP ang lahat ng mga kinakailangan dokumento sa House of Representatives - Committee on Appropriations.
“The Office of the Vice President (OVP) has submitted all necessary documentation to the House of Representatives - Committee on Appropriations, including a detailed
presentation on the proposed budget for fiscal year 2025,” ani Duterte.
“I have also articulated my position on the issues outlined in my opening statement during the previous hearing on 27 August 2024.”
“We defer entirely to the discretion and judgment of the Committee regarding our budget proposal for the upcoming,” saad pa niya.
Bagama’t hindi umano hayagan sinabi ni Duterte na hindi sila dadalo sa budget hearing, habang sinusulat ito dakong 10 ng umaga ay hindi pa umano dumarating sa Kamara ang OVP.
Inaasahan umano sanang magsimula ang pagpapatuloy ng 2025 budget ng OVP dakong 9:00 ng umaga.