Isiniwalat ni Vice President Sara Duterte ang isa sa mga rason kung bakit umano siya nagbitiw bilang kalihim ng Department of Education (DepEd).
Sa ikalawang bahagi ng videotaped interview na inilabas ng Office of the Vice President nitong Martes, Setyembre 10, sinabi ni Duterte na kinuha umano nina House Speaker Martin Romualdez at Appropriations Chair Zaldy Co ang budget ng DepEd–na isa sa mga dahilan kung bakit umano siya nag-resign bilang Kalihim.
“Ang budget ng Pilipinas ay hawak lang ng dalawang tao. Hawak lang siya ni Cong. Zaldy Co at ni Cong. Martin Romualdez. 'Yan ang katotohanan. Kinuha nila ‘yong budget ng DepEd at isa ‘yan sa mga rason kung bakit ako nag-resign sa Department of Education,’ saad ni Duterte.
“Hindi na ako papayag na sa susunod na taon ganiyan pa rin ang gawin nila at ako ang mananagot sa ginagawa nila,” wika niya.
Dagdag pa ng bise-presidente: “Kaya ‘yan ‘yung sinasabi ko na: ‘Bakit pa tayo mag-question and answer dito para atakihin n’yo ako? Eh ang masusunod din naman dalawang tao lang.'”
Matatandaang matapos bitiwan ni Duterte ang nasabing posisyon sa DepEd ay pinalitan siya ni dating Senador Sonny Angara.
MAKI-BALITA: Sonny Angara, nanumpa na bilang DepEd secretary