November 18, 2024

Home BALITA National

OVP, nagsalita na hinggil sa hindi nila pagdalo sa budget hearing ng Kamara

OVP, nagsalita na hinggil sa hindi nila pagdalo sa budget hearing ng Kamara
(file photo)

Naglabas na ng pahayag ang Office of the Vice President (OVP) hinggil sa hindi nila pagdalo sa pagdinig ng Kamara kaugnay ng kanilang proposed budget ngayong Martes, Setyembre 10.

Ayon sa OVP, hindi sila dadalo sa pagdinig ng Committee on Appropriations hinggil sa kanilang proposed budget para sa fiscal year 2025 dahil na rin umano sa mga rasong ibinigay ni Vice President Sara Duterte sa nakaraang interview nito.

“The reasons for such have been addressed in a recent interview of the Vice President, released earlier this morning,” anang OVP.

Matatandaang base sa ulat ng ABS-CBN News, inakusahan ni Duterte sina House Speaker Martin Romualdez at Appropriations Chair Zaldy Co ng pakikialam umano sa budget ng Department of Education (DepEd) para sa pagpapatayo ng mga silid-aralan, noong kalihim pa lamang siya nito.

National

Chavit Singson, di raw pabor kung sakaling pumasok ang ICC sa bansa

“Kinuha nila ‘yung budget ng DepEd, at isa ‘yan sa mga rason kung bakit ako nag-resign sa DepEd. Hindi na ako papayag na sa susunod na taon ganiyan pa rin ang gawin nila at ako ang mananagot sa ginagawa nila,” giit ni Duterte.

“Kaya ‘yan ‘yung sinasabi ko na: ‘Bakit pa tayo mag-question and answer dito para atakihin n’yo ako? Eh ang masusunod din naman dalawang tao lang’,” saad pa niya.

Samantala, binanggit din ng OVP ang naging sulat ni Duterte kay Romualdez nitong Martes kung saan sinabi nitong ipinadala na ng OVP ang lahat ng mga kinakailangan dokumento sa House of Representatives - Committee on Appropriations.

MAKI-BALITA: VP Sara, sinulatan si Romualdez hinggil sa proposed budget ng OVP