November 22, 2024

Home BALITA National

Informants na nagbigay-impormasyon tungkol kay Quiboloy, bibigyan ng pabuyang 14M

Informants na nagbigay-impormasyon tungkol kay Quiboloy, bibigyan ng pabuyang <b>₱</b>14M
photos. courtesy: Benhur Abalos/FB

Makatatanggap ng ₱14 milyon ang mga impormanteng nagbigay umano ng impormasyon tungkol kay Kingdom of Jesus Christ (KOJC) leader Pastor Apollo Quiboloy at apat pa niyang kasamahaan.

Ayon kay PNP spokesperson Police Colonel Jean Fajardo nitong Martes, Setyembre 10, pinag-usapan na nina DILG Secretary Benhur Abalos, PNP chief Police General Rommel Marbil, at Police Regional Office 11 director Police Brigadier General Nicolas Torre III nitong Lunes, Setyembre 9, ang pagbibigay ng ₱14 milyong pabuya sa mga impormante.

Gayunman, hindi raw nila puwedeng i-reveal kung sino ang mga impormanteng iyong dahil manganganib ang buhay ng mga ito.

"We cannot really reveal kung sino po sila at ilan po sila because manganganib po ang kanilang mga buhay. So pag-uusapan pa po yan kung sino-sino po ‘yung entitled po sa reward," saad ni Fajardo sa isinagawang press briefing.

National

VP Sara sinabing si Romualdez ang gustong pumatay sa kaniya

“But Definitely, ito pong reward na ₱10 milyon para kay Pastor Quiboloy at tag-iisang milyon para doon sa apat ay ibibigay po iyan sa mga impormante pero hindi na po pupwedeng ilabas po ‘yan… dahil ‘yung security nila ay at stake," dagdag pa niya. 

Nang matanong kay Fajardo kung mga miyembro ba ito ng KOJC, aniya, "I cannot confirm that po. Sorry."