December 24, 2024

Home BALITA National

Hindi pagdalo ni VP Sara sa budget hearing, insulto sa mga Pinoy -- Brosas

Hindi pagdalo ni VP Sara sa budget hearing, insulto sa mga Pinoy -- Brosas
MULA SA KALIWA: Rep. Arlene Brosas at VP Sara Duterte (Photo: House of Representatives/YouTube screengrab; file photo)

“She may not like our questions last hearing…”

Iginiit ni House Assistant Minority Leader at Gabriela Women’s Party Representative Arlene Brosas na isang insulto umano sa mga mamamayan ng bansa ang hindi pagdalo ni Vice President Sara Duterte sa pagdinig ng Kamara hinggil sa proposed ₱2.037-billion budget ng Office of the Vice President (OVP) para sa 2025 nitong Martes, Setyembre 10.

Sa kaniyang manipestasyon, binanggit ni Brosas na hindi na umano sila nakapagtanong sa budget hearing ng Office of the President (OP) nitong Lunes, Setyembre 9, habang ngayong Martes daw ay wala naman ni isang kinatawan ang dumalo sa OVP.

“Hindi ko maintindihan kung bakit itong two highest positions in the land natin ay ganito sa ating budget hearing sa Kongreso. Isang insulto [ito] sa mamamayang Pilipino at sa mga kinatawan dito sa loob ng Kongreso na hinalal ng mga mamamayan,” ani Brodad.

National

₱6.352-trillion proposed nat’l budget sa 2025, lalagdaan ni PBBM sa ‘Rizal Day’ – PCO

“Ang hiling natin ay makapagpaliwanag ng accountability at ang hiling natin ay maglinaw kasi marami pa po tayong tanong kaugnay dito.

"She may not like our questions last hearing. She may not like being questioned about the OVP expenses. She may not like sitting with us here in the House, but she is accountable to the people and she has this sworn duty to the Constitution being the head of the agency to be here para malaman natin ‘yung budget niya,” saad pa ng mambabatas.

Samantala, matatandaang nito lamang ding Martes ay naglabas na ng pahayag ang OVP hinggil sa kanilang hindi pagdalo sa pagpapatuloy ng pagdinig para sa kanilang proposed budget sa fiscal year 2025.

MAKI-BALITA: OVP, nagsalita na hinggil sa hindi nila pagdalo sa budget hearing ng Kamara

Bukod dito ay nagpadala rin ng sulat si Duterte kay House Speaker Martin Romualdez hinggil dito,

MAKI-BALITA: VP Sara, sinulatan si Romualdez hinggil sa proposed budget ng OVP