January 23, 2025

Home SHOWBIZ Tsika at Intriga

Francine bigla raw nawala sa line-up ng performers ng Marcos 107 free concert

Francine bigla raw nawala sa line-up ng performers ng Marcos 107 free concert

Usap-usapan ang umano'y pagkawala ng larawan ng Kapamilya star na si Francine Diaz sa poster ng "Marcos 107 Free Concert" na gaganapin ngayong araw ng Martes, Setyembre 10, sa Ferdinand E. Marcos, Jr.

Kaugnay ito sa selebrasyon ng birth anniversary ng yumaong dating Pangulong Ferdinand E. Marcos, Sr., na ang hometown ay sa Laoag City, Ilocos Norte.

Magsisimula umano ang concert dakong 5:30 ng hapon.

Sa kumakalat na lumang poster, makikita pa ang larawan ni Francine kasama ang iba lang performers na sina Angeline Quinto, Pops Fernandez, Martin Nievera, Nina, Joseph Marco, Kelvin Miranda, Daryl Ong, at bandang Rocksteddy.

Tsika at Intriga

Marc Nelson, nagsalita matapos madawit sa legal battle nina Maggie Wilson-Victor Consunji

Subalit sa latest at updated poster na ibinahagi ng anak ni Pangulong Ferdinand "Bongbong" Marcos, Jr. na si Congressman Sandro Marcos, wala na ang larawan ni Francine.

"Join us for a night of music and fun at our free concert! All are welcome—come enjoy the show!" mababasa sa caption ng Facebook post ni Cong. Sandro.

TINGNAN: Sandro Marcos - Join us for a night of music and fun at our free... | Facebook

Hindi naman tiyak kung talaga bang legit na nasa line-up ng performers si Francine o talagang nagmula ang lumang poster sa organizers ng concert, o sa last minute ay talagang nag-back out siya sa hindi malamang dahilan.

Umani naman ito ng iba't ibang reaksiyon at komento mula sa netizens.

"Natauhan?"

"Baka nahiya hahaha."

"Kakampink ba siya before?"

"Thanks to the poster. At least I know now which artist/actors not to support going forward."

"Bakit wala si Otin G hahaha."

"Unity with kakampinks very nice"

Samantala, dinumog naman ng mga komento ang August 2 Instagram post ni Francine.

"please back out as one of those that will perform for Marcos.."

"REAL BA YUNG M@RCOS CONCERT? Why Francine. Why?"

Samantala, wala pang reaksiyon, tugon, o pahayag ang kampo ni Francine o maging ang organizers ng show tungkol sa isyu. Bukas ang Balita sa kanilang panig.