November 14, 2024

Home BALITA National

'Act responsibly!' LRTA nagpaalala sa content creators dahil sa 'random train date challenge'

'Act responsibly!' LRTA nagpaalala sa content creators dahil sa 'random train date challenge'
Photo courtesy: LRTA (FB)/Screenshot from @TrionKwentos (TikTok)

May paalala ang Light Rail Transit Authority (LRTA) sa content creators na nagbabalak gumawa ng content video sa loob ng pampublikong transportasyon, lalo na sa LRT, bunsod ng "random train date challenge" na ginawa ng isang "pasaway" na content creator.

Mapapanood sa challenge ang biglang paglalagay ng mesa sa loob ng tren ng uploader na @TrionKwentos, may kasama pang dalawang baso, kandila, at dalawang biskwit sa mesa na inihahanda ng kasamang lalaki na tila isang waiter, noong Agosto 28.

Sa ikalawang pagkakataon naman ay "challenge failed" ang content creator matapos sitahin ng guwardiya.

Nitong Lunes, Setyembre 9, ay naglabas ng opisyal na pahayag ang LRTA at sinabing labag sa patakaran ng LRT ang ginawa ng content creator, at wala rin siyang authorization para gawin ang nabanggit na content sa loob ng bagol.

National

Super Typhoon Ofel, napanatili ang lakas habang nasa northeast ng Echague, Isabela

Nagpaalala naman ang LRTA sa mga content creator na maging responsable sila sa paggawa ng contents nila, lalo na kung nasa pampublikong transportasyon.

"We urge content creators to act responsibly by respecting their fellow passengers and adhering to LRTA safety and security regulations," anang LRTA.

"Safety and consideration for others should always be a priority when using our Train services."

"The LRTA reserves the right to take appropriate action against individuals who violate safety and security guidelines."

TINGNAN: Light Rail Transit Authority-LRT Line 2 | Facebook

Depensa naman ng content creator sa isang panayam, "Akala ko pwede natin gawin dito ang mga pwede gawin sa ibang bansa."

"Gusto ko sana ipakita sa buong mundo na maganda ang mga public transportation dito sa Pilipinas na nag-improve na ang mga tren."

MAKI-BALITA: Huli pero 'di kulong! LRTA, sinaway content creator sa 'random train date challenge'