October 04, 2024

Home SHOWBIZ Pelikula

Paolo, good mood pa ba kahit dismayado sa MTRCB rating ng bagong pelikula?

Paolo, good mood pa ba kahit dismayado sa MTRCB rating ng bagong pelikula?
Photo Courtesy: Mavx Productions, Inc. (IG) via GMA Network, Lolit Solis (IG)

Ibinahagi ng talent manager ni Paolo Contis na si Lolit Solis ang kondisyon ng kaniyang alaga matapos makatanggap mula sa Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) ng X rating ang pelikula nitong “Dear Satan” kahit pinalitan na ito ng titulo.

Sa Instagram post ni Lolit kamakailan, sinabi niya na good mood pa rin umano si Paolo dahil kahit kontrobersiyal ang pelikula niya, alam niyang maganda ito.

“Hindi niya akalain na ang feeling niya na nakagawa siya ng isang magandang film ay magiging controversial,” saad ni Lolit.

Dagdag pa niya: “Akala pa naman niya magiging smooth sailing dahil nga sa concept nito na isang mabait na Satan ang kanyang papel.”

Pelikula

Jackie Chan wapakels matapos mag-collapse sa shooting: ‘It’s not a big deal’

Samantala, nanghihinayang naman si Lolit na hindi nabibigyan ang alaga niya ng role para sa mga seryeng madadrama dahil mahusay umano si Paolo.

Ayon sa kaniya: “Very happy sa Bubble Gum si Paolo pero sana rin mabigyan siya ng mga dramatic roles para maipakita niya ang varied talent niya.” 

“Sayang naman pero sa isang talent na tulad ni Paolo Contis na very confident sa alam niyang puwede niyang gawin, no problem,” wika pa ni Lolit.

Matatandaang naglabas ng bukas na liham ang producer ng “Dear Satan” para humingi ng paumanhin matapos umani ng mga puna at batikos ang titulo nito.

MAKI-BALITA:  Pelikulang 'Dear Satan' ni Paolo Contis, papalitan ng titulo