Masayang-masaya sa natanggap na di-inaasahang biyaya anh social media personality na si "Ms. Catering" matapos makatanggap ng sorpresa mula sa kapwa social media personality-talent manager na si Wilbert Tolentino.
Binigyan ni Wilbert ng tumataginting na ₱100,000 si Ms. Catering para sa maintenance ng nanay niya.
TINGNAN: abangan niyo mga mare vlog namin ni sir... - Ms Catering Official | Facebook
Bukod dito, pinagkalooban din niya ng isang bangka at may kompletong gamit sa pangingisda ang influencer para sa kanilang kabuhayan.
Ayon kay Wilbert, mas mainam na raw bigyan at turuang mangisda ang isang tao kaysa bigyan ng mismong isda, na mula sa isang sikat na kasabihan.
Ang bangkang de-motor ay ipinagawa talaga ni Wilbert bilang advocate ng "Ahon Mahirap."
Si Wilbert ang talent manager ng online seller na si "Madam Inutz" at ni Kapuso actress-beauty queen Herlene Budol.