December 23, 2024

Home SHOWBIZ

Karen Bordador, nanawagan sa hoarders ng sanitary napkin para sa BINI photocards

Karen Bordador, nanawagan sa hoarders ng sanitary napkin para sa BINI photocards
Photo Courtesy: Karen Bordador (FB)

Nanawagan ang Pinoy Big Brother celebrity housemate na si Karen Bordador sa mga hoarders ng isang brand ng sanitary napkins na may kasamang BINI photocards kapag binili.

Sa Facebook post ni Karen nitong Linggo, Setyembre 8, nakiusap siyang ipagkaloob umano sa mga babaeng nasa correctional facility ang mga sobrang napkin.

“To everyone hoarding Modess Napkins for BINI Photocards and have been wondering where they can donate the excess napkins to, please send them to me,” saad ni Karen.

I'll be visiting a women's correctional facility this month and they will really appreciate good quality napkins. Please DM me!” aniya.

Vic Sotto, nasaktan sa ginawa ng TAPE sa Eat Bulaga

Dagdag pa niya: “If you have other hygiene products and food you'd like to give the ladies in bars, I'm willing to give it to them! They'll really be grateful for all the blessings.” 

Ayon sa paliwanag ni Karen, kailangan umanong bumili ng mga babae sa correctional facilities ng sarili nilang mga gamit tulad ng sanitary napkins.

“But with what money? So your hoarding and excess are their necessities,” sabi pa niya.

Matatandaang Pebrero 2023 pa nang ianunsiyo ng Modess ang BINI bilang pinakabago nilang brand ambassadors.