May 23, 2025

Home SHOWBIZ

Gigi De Lana, sinisisi ang sarili sa pagkamatay ng ina

Gigi De Lana, sinisisi ang sarili sa pagkamatay ng ina
Photo Courtesy: Screenshots from Toni Gonzaga (YT)

Hindi umano maiwasan ng singer na si Gigi De Lana na sisihin ang sarili sa pagpanaw ng ina niyang nakipaglaban sa stage 4 cancer.

Sa latest episode ng “Toni Talks” nitong Linggo, Setyembre 8, inilahad ni Gigi ang dahilan kung bakit sa tingin niya ay siya ang may kasalanan ng sinapit ng kaniyang ina.

“Sinisisi ko kasi ‘yong sarili ko kung bakit siya lumala nang ganyan. Kasi wala akong pera. Hindi ko siya mapagamot,” umiiyak na saad ni Gigi.

“Siya lang din ‘yong lakas ko madalas. Siya lang,” dugtong pa niya.

Tsika at Intriga

Anne Curtis, naalarma sa kumakalat na larawan ng Sierra Madre

Kaya naman nang mawala raw ang ina ni Gigi ay parang inalisan daw siya ng kaluluwa dahil ito ang pinaghuhugutan niya ng inspirasyon kapag kumakanta siya.

Pero sa kabilang banda, inamin ni Gigi na hiniling daw niya sa Panginoon na kunin na nito ang mama niya.

“Kinausap ko si Lord. Sabi ko: ‘Lord, okay na po. Kunin mo na siya.’ [...] Hirap na hirap na siya, Ate Toni. ‘Yong face niya…namamaga na,” saad ni Gigi.

MAKI-BALITA: Gigi De Lana, hiniling na kunin ni Lord ang mama niya

Matatandaang kinumpirma niya ang pagpanaw ng kaniyang ina noong Mayo sa pamamagitan ng isang social media post.