Niyanig ng magnitude 4.1 na lindol ang probinsya ng Davao Oriental dakong 5:11 ng hapon nitong Lunes, Setyembre 9.
Sa tala ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs), tectonic ang pinagmulan ng lindol.
Namataan ang epicenter nito 42 kilometro ang layo sa timog-silangan ng Baganga, Davao Oriental, na may lalim na 10 kilometro.
Wala namang inaasahan ang Phivolcs na posibleng aftershocks ng lindol.
Hindi rin daw inaasahang magdudulot ng pinsala ang nasabing pagyanig.