Naging emosyunal ang mga netizen sa video na ibinahagi ng The Voice Kids season 1 grand winner Lyca Gairanod na nagpapakita ng pag-uusap nila ng amang nagkaroon ng malubhang karamdaman.
Ang tatay ni Lyca ay inatake ng stroke, kaya naging hands on sa pag-aalaga sa kaniya ang anak.
Apat na araw na nawala si Lyca dahil may pinuntahan lamang siya, at nang umuwi na siya ay naging emosyunal ang tatay niya na tila batang nagsusumbong sa kaniya.
TINGNAN: Facebook
Bumaha naman ng mga nakatataba ng pusong mensahe ang mga netizen para kay Lyca, sa comment section ng kaniyang video post.
"Buti pa to khit sikat na mahal na mahal pa din magulang nya.di tulad ni yulo nanalo lng ng ginto nakalimutan na pamilya nya."
"Lyca came from a poor family.. so she knows how to valued her parents..... Continue to inspired others lyca. God bless you more..."
"Sa panahon ngauon na 'Hindi responsibilidad ng anak ang mga magulang' tingnan nyo si Lyca still love her parents and willing na mag alaga at suportahan ang ama. Salute sayo Lyca more blessings to come. May you live longer."
"mabait na bata sa magulang pinagpapala yan.. salute sayo lyca."