March 07, 2026

Home SHOWBIZ

Co-host ni Ogie Diaz sa showbiz-oriented vlog, mahilig magpakain sa boys

Co-host ni Ogie Diaz sa showbiz-oriented vlog, mahilig magpakain sa boys
Photo Courtesy: Screenshot from Aiko Melendez (YT)

Nakakaloka ang inamin ng co-host ni showbiz insider Ogie Diaz na si Dyosa Pockoh tungkol sa kaniyang nakasanayang pag-uugali.

Sa latest episode ng vlog ng actress-politician na si Aiko Melendez nitong Sabado, Setyembre 7, sinabi niya ang gusto niyang baguhin sa kaniyang sarili.

“Hindi ako marunong maghawak ng pera talaga. ‘Pag may pera ako, bukod sa sa itinutulong, mahilig din akong magpakain bukod sa mga boys,” lahad ni Dyosa.

“Feeling ko nga, ang Lord siguro nalilito sa akin. Kasi ‘itong baklang ‘to, bigay nang bigay sa lalaki ng pera. Pero mabait naman siya, tulong din naman siya nang tulong,’” natatawa niyang sabi.

Pero paglilinaw ni Dyosa, hindi naman daw talaga siya todo kung magbigay ng pera sa mga lalaki.

Tsika at Intriga

Napanood na kasi! Nikko Natividad, inamin sa misis tungkol sa sex video dahil 'wala nang lusot'

“Nagpapakain lang ako,” aniya. “Kakain lang. Pero hindi ako mahilig mag-inom.”

Bago pa man siya makapasok sa entertainment industry, si Dyosa ay nagtapos ng Fine Arts major in graphic design sa University of the East.