May 22, 2026

Home SHOWBIZ Tsika at Intriga

‘Bye-bye’ sa ₱36M offer; Kevin Quiambao pinatunayang tama ang pagpili sa Green Archers

‘Bye-bye’ sa ₱36M offer; Kevin Quiambao pinatunayang tama ang pagpili sa Green Archers
Photo courtesy: UAAP Media Bureau

Muling namayani si season 86 reigning Most Valuable Player (MVP) Kevin Quiambao matapos niyang pangunahan ang De La Salle University Green Archers kontra National University Bulldogs sa dikit na laban nito noong Linggo, Setyembre 8, 2024 sa Smart Araneta Coliseum, Cubao, Quezon City.

Nagtapos laban sa iskor na 78-75 matapos magawang kumawala ng Green Archers sa dying seconds ng 4th quarter, kung saan tabla ang iskor sa 75 sa huling 9.8 segundo. Nagpakawala ng halos buzzer beater na tres si Quiambao upang ibigay sa koponan ang unang panalo para sa koponan.

Nagtala si Quiambao ng 22 points, 8 rebounds and 7 assists.

Matatandaang bago tuluyang magbukas ang season 87 ay kinumpirma ni Quiambao ang milyon-milyong offer sa kaniya na lumaro sa international league sa Korea.

Tila buong-buo ang desisyon ng reigning MVP na tanggihan ang ₱36.7 milyon na alok sa kaniya ng Korean basketball team na Sono Skygunners para sa Korean Basketball League (KBL). Piniling manatili ng 23-anyos na si Quiambao sa kaniyang collegiate team upang depensahan ang kanilang titulo at subukang muling maiuwi ang kampeonato para sa koponan.

Tsika at Intriga

Andrea Del Rosario, nagbiro sa mga may pic kasama si Bato: 'Lahat kayo for questioning daw!'

Nasaksihan ng mundo ang galing ni Quiambao matapos siyang mapasama sa national team na Gilas Pilipinas at Strong Group Athletics kung saan isa rin siya sa mga nanguna para sa dalawang koponan.

Samantala, may ilang balita rin na bukod sa Korea, may ilang international commercial team pa rin na nanligaw kay Quiambao na mula sa Dubai, kung nasaan si former Ateneo MVP Thirdy Ravena at alok na naturalization mula pa rin sa United Arab Emirates (UAE).

Kate Garcia