Nakarating na sa Senado si dismissed Bamban, Tarlac mayor Alice Guo nitong Lunes ng umaga, Setyembre 9, upang harapin muling humarap sa pagdinig.
Sakay ang coaster bus, mula Camp Crame sa Quezon City ay nakarating ng Senado si Guo dakong 8:55 ng umaga.
Dakong 10:00 ng umaga nakatakdang isagawa ang pagdinig ng Philippine Senate Committee on Women, Children, Family Relations and Gender Equality kaugnay ng mga krimeng kinasasangkutan ng Philippine Offshore Gaming Operators (POGOs), kung saan isinasangkot din si Guo.
Matatandaang noong Setyembre 4 nang maaresto ng mga awtoridad ng Indonesia si Guo at naibalik ng bansa noong Setyembre 6.
BASAHIN: Dismissed Bamban, Tarlac Mayor Alice Guo, arestado na!
Nahaharap siya sa contempt order at ilan pang kaso sa bansa, tulad ng nabanggit na pagkasangkot umano niya sa POGO, bago siya tumakas ng bansa at magtungo sa Malaysia, Singapore, at panghuli nga ay sa Indonesia.