Niyanig ng magnitude 5.0 na lindol ang Eastern Samar nitong Lunes ng madaling araw, Setyembre 9, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs).
Sa tala ng Phivolcs, nangyari ang lindol na tectonic ang pinagmulan dakong 3:28 ng madaling araw.
Namataan ang epicenter nito 26 kilometro ang layo sa timog-silangan ng Guiuan, Eastern Samar, na may lalim na 44 kilometro.
Naitala ang Instrumental Intensities sa mga sumusunod na lugar:
Intensity III - Dulag, LEYTE; City of Catbalogan, SAMAR
Intensity II - Abuyog and Alangalang, LEYTE; Hinunangan and Hinundayan, SOUTHERN LEYTE; Sulat, EASTERN SAMAR
Intensity I - Javier, Palo, City of Baybay, and Carigara, LEYTE; Sogod, SOUTHERN LEYTE;
Can-Avid, EASTERN SAMAR; San Roque, NORTHERN SAMAR; Gandara and Basey, SAMAR
Wala namang inaasahan ang Phivolcs na posibleng aftershocks ng lindol.
Hindi rin daw inaasahang magdudulot ng pinsala ang nasabing pagyanig.