December 22, 2024

Home BALITA National

DepEd Sec. Angara nagpasalamat kay PBBM dahil sa salary differential ng mga guro

DepEd Sec. Angara nagpasalamat kay PBBM dahil sa salary differential ng mga guro

Nagpasalamat ang dating senador at ngayon ay kalihim ng Department of Education (DepEd) na si Sonny Angara kay Pangulong Ferdinand "Bongbong" Marcos, Jr. dahil naaprubahan na raw ang salary differential ng mga guro ng kagawaran mula Enero hanggang Agosto.

Sumakto sa "National Teachers Month," masaya si Angara na makukuha na ng mga guro ang ipinangakong pay hike sa kanila, na papasok na umano sa suweldong matatanggap ngayong Setyembre.

"Maraming salamat kay Pangulong Bongbong Marcos! Ngayong National Teachers' Month, matatanggap na ng ating mga ka-DepEd ang salary differential para sa buwan ng Enero hanggang Agosto!" mababasa sa post ni Angara.

Sonny Angara - Maraming salamat kay Pangulong Bongbong Marcos!... | Facebook

National

Romina, patuloy na kumikilos patungong Southern Kalayaan Islands

Bumaha naman ng pasasalamat kina DepEd Sec Angara at PBBM mula sa panig ng mga guro.

Noong Setyembre 3 ay masayang inanunsyo ni Angara ang pag-aruba ng Department of Budget and Management (DBM) sa distribusyon ng ₱26.9 billion para sa salary differentials ng public school teachers at non teaching personnel.

"As previously stated, both the President and the DBM have confirmed that funds will be released. In fact, they have instructed DepEd to use any available funds to advance the payment of this ₱26.9 billion salary differential for Fiscal Year 2024, covering DepEd’s plantilla positions,” paliwanag ni Angara sa isinagawang deliberasyon ng house committee para sa 2025 school year budget ng DepEd.

Maging si Undersecretary for Finance Annalyn Sevilla ay kinumpirma ang magandang balitang ito.

“The September payroll is authorized to include these payments,” aniya.