Iginiit ni House Assistant Minority Leader at Gabriela Women’s Party Representative Arlene Brosas na huwag gamitin ng puganteng si Pastor Apollo Quiboloy ang kaniyang mga tagasuporta bilang “human shield.”
Sa isang pahayag nitong Sabado, Setyembre 7, sinabi ni Brosas na itigil na ng pastor ang kaniyang “drama” at dapat sumuko na lang.
"Quiboloy needs to stop playing God and face the charges against him. Itigil na niya ang drama niya at sumuko na lang siya," ani Brosas.
"Huwag niyang gamiting human shield ang mga taga-suporta niya. The victims of his alleged crimes deserve justice, and he must submits himself to the legal process," dagdag niya.
Samantala, sinabi ng mambabatas na bukas ang Gabriela Women's Party sa mga nabiktima umano ni Quiboloy, na nahaharap sa mga kasong sex trafficking at sexual abuse.
"The exploitation of women and children is a grave violation of human rights that must be swiftly addressed," giit ni Brosas.
"We stand with the victims of Quiboloy. Every day that passes without this criminal being apprehended is another day the victims are denied justice,” saad pa niya.
Matatandaang noong Agosto 24, 2024 nang simulang pasukin ng nasa 2,000 Police (PNP) personnel ang compound ng Kingdom of Jesus Christ (KOJC) upang isilbi ang arrest warrant ni Quiboloy at mga kapwa-akusado nito.
MAKI-BALITA: 2,000 pulis, hinalughog KOJC compound para kay Quiboloy
Sa kabila ng mga kritisismo, hindi umano ititigil ng PNP ang kanilang operasyon sa PNP compound lalo na’t kumpiyansa raw silang nandoon pa rin nagtatago si Quiboloy.
KAUGNAY NA BALITA: Imbestigasyon ng Senado sa operasyon ng PNP vs Quiboloy, ipagpapatuloy -- Dela Rosa