December 23, 2024

Home SPORTS

‘Birdy’ ni Alas Pilipinas Jade Disquitado sapul sa hampas ni Yuji Nishida

‘Birdy’ ni Alas Pilipinas Jade Disquitado sapul sa hampas ni Yuji Nishida
Photo courtesy: Photo courtesy: Screenshots from One Sports YouTube channel

Literal na na-checkballs si Jade Disquitado!

Halos gumapang sa court si Alas Pilipinas outside hitter Jade Disquitado nang makatikim ng di-sinasadyang hampas ang kaniyang “pag-aari” mula kay Japan star player Yuji Nishida sa kasagsagan ng friendly match ng Alas Pilipinas at Osaka Blueton nitong Sabado, Setyembre 7, 2024 sa PhilSports Arena sa Pasig City.

Sa dikdikang laban ng Alas at Blueton sa second set kung saan lamang ng apat ang Pilipinas, 14-12, sapul ang “kaligayahan” ni Disquitado mula sa backrow attack ni Nishida. Pansamantalang natigil ang laban dahil tila gumulong sa sakit si Disquitado mula sa killer spike ni Nishida.

Tila hindi naman nagpaapekto si Disquitado at hindi rin ito pinalitan ng substitute player.

Goodbye PBA? John Amores, tinanggalan na ng professional license!

Samantala, sa kabila ng sinapit ni Disquitado at bagama’t bigo rin makakuha ng isang set kontra Japan, pinangunahan naman niya ang Alas matapos ng 11 points mula sa 10 attacks at 1 service ace.

Nagtapos ang laban ng Alas at Blueton sa loob ng tatlong set, 27-29, 23-25, 12-25 kung saan itinanghal ding player of the game si Nishida na may 15 points mula sa 14 attacks.

Kate Garcia