November 25, 2024

Home BALITA National

Alice Guo, magsusuot ng bulletproof vest sa pagpunta sa Senado

Alice Guo, magsusuot ng bulletproof vest sa pagpunta sa Senado
photo courtesy: PNP-PIO

Magsusuot ng bulletproof vest habang nakaposas si dismissed Bamban, Tarlac mayor Alice Guo sa kaniyang pag-transport mula sa Camp Crame, Quezon City patungong Senado sa Lunes, Setyembre 9, para sa pagdinig ng Senado, ayon sa Philippine National Police (PNP).

Sa panayam ng dzBB na inulat ng Manila Bulletin, sinabi ni PNP spokesperson Col. Jean Fajardo na bahagi ang naturang pagsuot ni Guo ng bulletproof vest ng security arrangement bilang pagsunod sa utos ng Branch 109 ng Capas, Tarlac Regional Trial Court upang matiyak daw na ang appropriate security measures para sa mga taong nasa ilalim ng hurisdiksyon ng korte. 

“We have to take into consideration what she said that she has been receiving death threats. So just like any individual with a threat to life, we have to take this seriously,” ani Fajardo.

Nakipag-ugnayan na rin daw sila sa tanggapan ng Sergeant-at-Arms ng Senado simula noong Biyernes, Setyembre 6, nang maglabas ang korte ng Capas ng utos na nagpapahintulot kay Guo na dumalo sa imbestigasyon ng Senado hinggil sa iligal na operasyon ng Philippine Offshore Gaming Operators (POGOs).

National

‘What kind of country is this?’ VP Sara, pinuna ‘di raw pag-aksyon ng gov’t sa banta sa kaniya

“The initial (security) is that she would be wearing a bulletproof vest and she will board a secured car with female police officers. There will also be members of SWAT (Special Weapons and Tactics) who will be part of the convoy,” ani Fajardo.

“She will be in handcuffs during the transportation and we will take a cure from the Senate if the handcuffs are removed during the investigation,” saad pa niya.

Inaasahan umanong aalis ang security convoy ni Guo dakong 8:00 ng umaga sa Lunes.

Matatandaang sa pag-turnover ng Indonesia kay Guo sa mga awtoridad ng Pilipinas, sa pangunguna nina Department of Interior and Local Government (DILG) Secretary Benhur Abalos at Philippine National Police (PNP) Chief Rommel Marbil, humingi siya ng tulong dahil mayroon umano siyang death threats.

MAKI-BALITA: Guo, nagpatulong kay Abalos: 'May death threats po ako'

Naaresto si Guo ng mga awtoridad ng Indonesia noong Miyerkules, Setyembre 4.

BASAHIN: Dismissed Bamban, Tarlac Mayor Alice Guo, arestado na!

Nahaharap siya sa contempt order at ilan pang kaso sa bansa, tulad ng pagkasangkot umano sa POGO, bago siya tumakas ng bansa at magtungo sa Malaysia, Singapore, at panghuli nga ay sa Indonesia.