September 16, 2024

Home BALITA Internasyonal

TikToker na afam, habambuhay makukulong dahil sa pagpatay sa asawang Pinay at kaibigan nito

TikToker na afam, habambuhay makukulong dahil sa pagpatay sa asawang Pinay at kaibigan nito
Photo Courtesy: Ana Abaluban (FB)

Hinatulan ng habambuhay na pagkakakulong ang TikTok star na si Ali Abulaban nitong Biyernes, Setyembre 6, sa San Diego, California dahil sa pagpatay niya umano sa asawang Pinay at sa kaibigan nito. 

Sa ulat ng ABS-CBN News nitong Sabado, Setyembre 7, tatlong taon na umano ang nakakalipas simula nang mangyari ang pamamaril ni Ali sa misis niyang si Ana Abulaban at sa kaibigan nitong si Rayburn Cardenas Barron.

“Abulaban, 32 and who was already estranged from his wife, went to her apartment in San Diego on October 21, 2021, armed with a gun after learning from a listening device he installed on their 5-year-old daughter’s iPad that there was a man in her house,” saad sa ulat.

Nagsimula umanong magkakilala sina Ali at Ana sa Japan noong 2014 at tuluyang nagpakasal noong 2017 sa Virginia kung saan sila nanirahan bago lumipat sa California.

Internasyonal

Misa ng Santo Papa dinumog, halos kalahati ng populasyon ng East Timor, dumalo

Ayon sa prosekutor, ang abusadong pag-uugali umano ni Ali ang ugat ng hiwalayan nila ni Ana.