November 22, 2024

Home BALITA Probinsya

Problema ng pagbaha sa Rizal, dapat pangunahan ng angkan ng Ynares at Duavit —De Guzman

Problema ng pagbaha sa Rizal, dapat pangunahan ng angkan ng Ynares at Duavit —De Guzman
Photo Courtesy: Ka Leody De Guzman, Carla Versoza via Ka Leody De Guzman (FB)

Naglahad ng sariling pananaw ang labor leader at dating presidential candidate na si Ka Leody De Guzman hinggil sa lumalalang problema ng pagbaha sa lalawigan ng Rizal.

Sa Facebook post ni De Guzman nitong Biyernes, Setyembre 6, sinabi niya na ngayon lang umano niya nasaksihyang bahain ang buong lalawigan sa loob ng tatlong dekadang paninirahan sa bayan ng Cainta.

“Patunay na ‘clear and present danger’ ang global climate crisis. Kahit pa itinatanggi ito ng maraming mga gobyerno, sa tulak ng mga kapitalista sa fossil fuel, energy, at transport,” saad ni De Guzman.

Pero maliban umano sa mga pandaigdigang dahilan, may ilan din umanong pagbabago sa Rizal na naging sanhi ng matinding pagbaha.

Probinsya

Tinatayang 132,000 pamilya, lumikas sa Eastern Visayas dahil sa super typhoon Pepito

Aniya: “Ilan dito ang sumusunod: (a) mining, quarrying, at deforestation ng Sierra Madre (na tagasalag ng mga bagyo bago ito tumama sa Metro Manila), at (b) urbanisasyong walang maayos na plano sa epekto sa mga waterways patungo sa mga ilog ng Marikina at Pasig at sa Laguna de Bay, at nakatuon lamang sa tumataas na fair market value ng lupa sa mga syudad sa Rizal.”

“Hindi malulutas sa isang bigwas ang problemang nilikha ng deka-dekadang mga pagkakamali. Subalit ang pagtukoy sa mga kamalian at kakulangan sa patakaran ng probinsyal at mga munsipal na pamahalaan ang unang hakbang sa pagwawasto,” aniya.

Dagdag pa niya: “Dapat pangunahan ito ng mga angkan ng Ynares at Duavit na patuloy na may monopolyo sa kapangyarihan sa mga pamahalaang lokal ng Rizal.”

Matatandaang kabilang ang Rizal sa mga lugar na nakataas sa yellow warning level dulot ng hanging Habagat na pinalalakas ng bagyong Enteng nitong Huwebes, Setyembre 5.

MAKI-BALITA: Orange at Yellow warning level, nakataas pa rin sa iba't ibang lugar sa bansa--PAGASA