November 25, 2024

Home BALITA National

Ping Lacson, gustong maging senador si DILG chief Abalos: 'I hope he wins'

Ping Lacson, gustong maging senador si DILG chief Abalos: 'I hope he wins'
MULA SA KALIWA: Dating senador Ping Lacson at DILG Sec. Benhur Abalos (file photo: Abalos/Facebook)

Naniniwala si dating senador Ping Lacson na dapat maihalal bilang senador si Department Interior and Local Government (DILG) Secretary Benhur Abalos.

Sa isang Facebook post nitong Biyernes, Setyembre 7, sinabi ni Lacson na isang mabuti at disenteng tao si Abalos kaya’t sana raw ay manalo ito bilang senador.

“DILG Sec. Abalos is a good, decent person. I hope he wins a Senate seat,” ani Lacson sa kaniyang post.

“Hence, I am sharing this unsolicited advice which I also got from a learned politician - ‘In politics, don’t say or do anything that you need to explain later to address massive criticisms’,” saad pa niya.

National

‘What kind of country is this?’ VP Sara, pinuna ‘di raw pag-aksyon ng gov’t sa banta sa kaniya

Habang isinusulat ito’y hindi pa naman opisyal na idinideklara ni Abalos ang kaniyang pagtakbo bilang senador sa 2025 national elections.

Samantala, sa naturang post ay inilakip din ni Lacson ang larawan ni Abalos kasama si dismissed Bamban, Tarlac mayor Alice Guo nang magtungo ang una kasama si Philippine National Police (PNP) chief Rommel Marbil sa Indonesia para sa turnover at pagpapabalik sa bansa ng pinatalsik na alkalde.

Usap-usapan ngayon si Abalos matapos mag-viral ang nakangiting larawan niya kasama si Guo at Marbil, kung saan binibigyan umano nila ng “special treatment” ang pugante.

Samantala, itinanggi ni Abalos na may special treatment sila kay Guo, at ipinaliwanag din niya ang nag-viral na larawan.

BASAHIN: Sec. Abalos, nagpaliwanag sa larawang naka-'peace sign' si Alice Guo

Nahaharap si Guo sa contempt order at ilan pang kaso sa Pilipinas bago siya tumakas ng bansa at magtungo sa Malaysia, Singapore, at panghuli nga ay sa Indonesia.

Matapos ang ilang mga linggong pagtatago, naaresto siya ng mga awtoridad ng Indonesia noong Miyerkules, Setyembre 4.

BASAHIN: Dismissed Bamban, Tarlac Mayor Alice Guo, arestado na!