November 10, 2024

Home BALITA National

Imbestigasyon ng Senado sa operasyon ng PNP vs Quiboloy, ipagpapatuloy -- Dela Rosa

Imbestigasyon ng Senado sa operasyon ng PNP vs Quiboloy, ipagpapatuloy -- Dela Rosa
(Photo: Sen. Bato dela Rosa/FB; MB file photo)

Ipagpapatuloy ng Senado ang imbestigasyon hinggil sa operasyon ng Philippine National Police (PNP) sa compound ng Kingdom of Jesus Christ (KOJC) sa Davao City para hanapin ang puganteng si Pastor Apollo Quiboloy, ayon kay Senador Ronald “Bato” dela Rosa.

Sa panayam ng mga mamamahayag nitong Biyernes, Setyembre 6, sinabi ni Dela Rosa na magtatakda ng panibagong pagdinig ang Senate Committees on Justice and Human Rights at Public Order and Dangerous Drugs hinggil sa operasyon ng PNP sa KOJC compound na nagsimula noong Agosto 24, 2024.

MAKI-BALITA: 2,000 pulis, hinalughog KOJC compound para kay Quiboloy

“Ayaw pa nilang umatras, ayaw nilang mag-vacate, so harapin na lang nila kung magkakaso itong mga taga-KOJC, harapin nila,” ani Dela Rosa.

National

‘Nika,’ bahagyang lumakas habang nasa PH Sea sa silangan ng Quezon

“Hindi pa naman ito (Senate hearing) tine-terminate. Hindi pa in-adjourn. Suspendido pa lang. So ituloy natin,” saad pa niya.

Hindi pa naman daw inaanunsyo ang schedule at venue ng naturang susunod na pagdinig.

Nitong Biyernes nang pangunahan ni Dela Rosa ang public hearing, kasama sina Senador Robin Padilla at Senador Christopher "Bong" Go, na naglalayon umanong imbestigahan ang mga isyung naglabasan mula nang simulan ng PNP ang opeasyon nito sa compound, kabilang na sa Jose Maria College (JMC) at KOJC cathedral.

Habang isinusulat ito’y hindi patuloy na hinahanap ng mga pulis si Quiboy, na kasalukuyang nahaharap sa mga kasong “ANTI-TRAFFICKING IN PERSONS ACT OF 2003 (RA9208 AS AMENDED BY RA 10364), REPUBLIC ACT 7610 (SPECIAL PROTECTION OF CHILDREN AGAINST ABUSE, EXPLOITATION, AND DISCRIMINATION ACT), AND CONTEMPT OF COURT.”

KAUGNAY NA BALITA: Sen. Bato, nakiusap kay PBBM hinggil kay Quiboloy: 'Huwag ninyong isara utak ninyo!'