January 22, 2025

Home BALITA National

Sec. Abalos, nagpaliwanag sa larawang naka-'peace sign' si Alice Guo

Sec. Abalos, nagpaliwanag sa larawang naka-'peace sign' si Alice Guo
(contributed photo)

Nagpaliwanag si DILG Secretary Benhur Abalos Jr. tungkol sa larawan niya kasama si dismissed Bamban, Tarlac Mayor Alice Guo na nakangiti at naka-'peace sign' pa. 

Nangyari ang pagpapaliwanag na ito nang makabalik na si Guo sa Pilipinas galing sa Indonesia matapos maaresto ng awtoridad nito lamang Setyembre 4.

BASAHIN: Dismissed Bamban, Tarlac Mayor Alice Guo, arestado na!

Kasama ni Guo pagbalik sa Pilipinas si Abalos at  Philippine National Police Chief PGen. Rommel Marbil sa isang private hangar nitong Biyernes, Setyembre 6 ng bandang 1:30 ng umaga. 

National

PH History, ibabalik na bilang subject sa high school?

Kinumpirma ni Bureau of Immigration (BI) Commissioner Norman Tansingco ang pagdating ni Guo sa bansa. 

"Nag-request si Alice [Guo] na kausapin kaming dalawa ni Chief [Marbil] at sinabi niya nga na mayroon siyang mga death threats. At inassure ko siya, kami ni Chief, na 'yung death threats 'wag niyang alalahanin ang importante sabihin niya ang lahat ng totoo. Lahat 'wag siyang matakot miski sino pang malalaking tao ito, at siya ay babantayan ng kapulisan," saad ni Abalos.

"Tapos pina-document namin para lang malinaw ito. Hindi ko naman alam kung ano ‘yung ginagawa niya, nakaharap siya at syempre nakatingin ako sa camera, so ayun po ang nangyari n'yan," dagdag pa niya.

Tinawag pa niya si Alice para magpaliwanag din. 

"Alice, gusto mo bang sagutin bakit ka raw gumanon [peace sign]? Go. siya na lang tanungin n'yo," ayon pa sa DILG secretary.

Sagot naman ng dating alkalde, "Kino-confirm ko po lahat ng sinabi ni Secretary na mayroon po akong death threats at humingi po ako ng tulong sa kanila at masaya din po ako na nakita ko po sila, I feel safe po. Maraming maraming salamat po."

Matatandaang ito rin ang sinabi ni Guo mismo kay Abalos nang ma-turn over siya sa awtoridad ng Pilipinas.

BASAHIN: Guo, nagpatulong kay Abalos: 'May death threats po ako'

Samantala, nagbigay ng paalala si Senador Risa Hontiveros matapos kumalat sa social media ang mga larawan ng ilang mga kawani ng pamahalaan na nagpa-picture kasama si Guo.

“PAALALA lalo na sa mga kawani ng gobyerno: Si Alice Guo ay pugante. May kasong human trafficking. Hindi po yan celebrity,” giit ni Hontiveros.

BASAHIN: Hontiveros, pinaalalahanan gov't employees: 'Si Guo ay pugante, 'di celebrity!'