November 25, 2024

Home BALITA National

PBBM, nag-react sa selfies ni Guo kasama sina Abalos, Marbil at ibang gov't employees

PBBM, nag-react sa selfies ni Guo kasama sina Abalos, Marbil at ibang gov't employees
(Photo: Pangulong Bongbong Marcos/FB; copn

“We are the selfie capital of the world…”

Nagbigay ng reaksyon si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa mga kumakalat sa social media kung saan naka-selfie ni dismissed Bamban, Tarlac mayor Alice Guo ang mga kawani ng pamahalaan tulad nina Department of Interior and Local Government (DILG) Secretary Benhur Abalos at Philippine National Police (PNP) Chief Rommel Marbil. 

Sa panayam ng mga mamamahayag nitong Biyernes, Setyembre 6, sinabi ni Marcos na bahagi na umano ng “new culture” ang pagkuha ng mga larawan, at “selfie capital” daw ng mundo ang Pilipinas.

“I think that is part of the new culture now na nagpapakuha lagi ng kahit ano, tapos ipo-post nila,” ani Marcos.

National

‘What kind of country is this?’ VP Sara, pinuna ‘di raw pag-aksyon ng gov’t sa banta sa kaniya

“Ang tawag natin sa Pilipinas, we are the selfie capital of the world, ‘di ba? Edi nag-selfie. Hindi mo na mapigilan ang mga tao na ngumiti. They just had a selfie. I don’t think there’s much more to it than that,” dagdag niya.

Matatandaang sa pag-turn over ng Indonesia kay Guo sa mga awtoridad ng Pilipinas, na pinangunahan nina Abalos at Marbil, kumalat sa social media ang ilang mga larawan kung saan “all smiles” si Guo at mga kawani ng gobyerno.

Nagpaliwanag naman si Abalos kaugnay ng naturang masayang larawan nila ni Marbil kasama ang pinatalsik ng alkalde.

BASAHIN: Sec. Abalos, nagpaliwanag sa larawang naka-'peace sign' si Alice Guo

Samantala, maging si Guo ay nagbigay ng paliwanag kung bakit “all smiles” siya sa mga larawan kasama ang mga kawani ng pamahalaan.

MAKI-BALITA: Guo sa all-smiles pictures niya kasama gov't employees: 'Masaya akong makita sila'

Matatandaang nitong Biyernes ng madaling araw nang makalapag sa Pilipinas si Guo matapos siyang i-turn over ng Indonesia sa mga awtoridad ng bansa.

Ito ay matapos maaresto si Guo ng mga awtoridad ng Indonesia noong Miyerkules, Setyembre 4.

BASAHIN: Dismissed Bamban, Tarlac Mayor Alice Guo, arestado na!

Nahaharap si Guo sa contempt order at ilan pang kaso sa Pilipinas bago siya tumakas ng bansa at magtungo sa Malaysia, Singapore, at panghuli nga ay sa Indonesia.