January 22, 2025

Home BALITA National

Diokno, nagpatutsada matapos kumalat larawan ni Guo kasama gov't employees: 'Wala dapat kilingan!'

Diokno, nagpatutsada matapos kumalat larawan ni Guo kasama gov't employees: 'Wala dapat kilingan!'
Photo Courtesy: Chel Diokno (FB), PNP-PIO

Nagpasaring ang human rights lawyer na si Atty. Chel Diokno matapos kumalat ang mga larawan ni dismissed Bamban, Tarlac Mayor Alice Guo kasama ang ilang kawani ng gobyerno.

Sa Facebook post ni Diokno nitong Biyernes, Setyembre 6, sinabi niya dapat pantay-pantay ang lahat ng tao sa mata ng batas at wala daapt kilingan.

Ayon sa kaniya: “Sa ordinaryong mamamayan, marahas. Sa mayaman at maimpluwensiya, malambing at malumanay.”

“Sa mata ng batas, dapat pantay-patay, wala dapat kilingan!!” dugtong pa ni Diokno.

National

PH History, ibabalik na bilang subject sa high school?

Pero nagbigay naman ng paliwanag si Department of Interior and Local Government (DILG) Secretary na si Benhur Abalos kaugnay sa larawan nila ni Guo.

MAKI-BALITA: Sec. Abalos, nagpaliwanag sa larawang naka-'peace sign' si Alice Guo

Matatandaang nauna nang nagpaalala si Senator Risa Hontiveros sa ilang kawani ng gobyerno na tinatratong parang celebrity ang dismissed mayor ng Bamban, Tarlac.

MAKI-BALITA: Hontiveros, pinaalalahanan gov't employees: 'Si Guo ay pugante, 'di celebrity!'