January 15, 2025

Home FEATURES

ALAMIN: Book launching ng ilang manunulat para MIBF 2024

ALAMIN: Book launching ng ilang manunulat para MIBF 2024
Photo courtesy: Manila International Book Fair (FB)

Magsisimula na sa susunod na linggo ang pinakamalawak na book fair sa bansa, ang 2024 Manila International Book Fair  Setyembre 11-15, na gaganapin sa SMX Convention Center sa Pasay City. 

KAUGNAY NA BALITA: ALAMIN: Saan nga ba makakakuha ng libreng ticket para sa 2024 Manila International Book Fair?

Kasunod nito, naglalabasan na rin sa social media ang anunsyo ng ilang tanyag na manunulat para sa kanilang book launching sa naturang event.

Narito ang ilan sa mga nauna nang magkumpirma ng kanilang book launching:

Tourism

'No. 1 most traveled Filipino citizen globally' sinalubong sa Mactan airport

Lolakwentosera at Working Nanay

Sisimulan ng publishing company na Lolakwentosera at Working Nanay ang kanilang book launching tungkol sa Mental Health na kasama sa opening day ng 2024 MIBF. Gaganapin ang kanilang event sa Hall 1 sa kanilang booth sa Setyembre 11, 2024 sa ganap na 2:00 ng hapon.

Xiao Chua

Nakatakdang dumalo ang historyador na si Xiao Chua para sa Heroic Heritage na gaganapin sa stage area ng function room 1 sa darating na Setyembre 13, 2024 sa ganap 6:00 ng gabi.

Ron Canimo at Jerico Silvers

Katulad noong nakaraang taon, muling magsasama sa book launch sina Ron Canimo at Jerico Silvers kung saan nakatakda nilang ibida ang mga librong kanilang isinulat.

Sa isang private room event ihahandog nina Ron at Jerico ang aklat na “Mga Tala at Tula” at “Of Flowers that Bloomed in Fire.”

Magsisimula ang private event ng dalawa sa Setyembre 14, 2024 sa ganap na 1:00 ng hapon na gaganapin sa meeting room 5.

Ricky Lee

Nakatakda ring ibida ni National Artist for Film and Broadcast Arts Ricky Lee ang kaniyang bagong libro na may pamagat na “Kalahating Bahagari.”

Muli rin niyang ipakikilala sa publiko ang nauna na niyang akda na “Kabilang sa mga Nawawala.”

Magsisimula ang kaniyang book launch na bukas para sa lahat, sa darating na Setyembre 14, 2024 sa ganap na 6:00 ng gabi.

Ambeth Ocampo

Ipakikilala rin ng sikat na historyador na si Ambeth Ocampo ang kaniyang bagong libro na may pamagat na “History in lockdown” at “Meaning of History, the Rizal Lectures.”

Gaganapin ang kaniyang book launch sa Hall 3 na matatagpuan sa booth ng National Bookstore sa ganap na 4:00 ng hapon sa darating na Setyembre 14-15, 2024.

Patricia Evangelista

Kasama rin sa 2024 ang journalist na si Patricia Evangelista para sa kaniyang libro na “Some People Need Killing.” Bukas sa publiko ang book signing ni Evangelista na gaganapin sa Hall 1, 7:00 ng gabi, sa Setyembre 14, 2024.

Para sa kabuuang schedule ng 2024 MIBF, maaaring bisitahin ang kanilang opisyal na Facebook Account.

Kate Garcia