September 16, 2024

Home BALITA Probinsya

55-anyos na babae, patay sa suwag ng isang kalabaw sa Bacolod City

55-anyos na babae, patay sa suwag ng isang kalabaw sa Bacolod City
Photo courtesy: Pexels

Patay ang isang babae matapos umanong atakihin ng suwag ng isang kalabaw sa Bacolod City. 

Lumalabas sa imbestigasyon ng pulisya na nangyari ang insidente habang nag-aani umano ang biktima ng kangkong nang biglang umatake ang kalabaw.

Ayon sa ulat ng State of the Nation Address ng GMA, namataan ng mga residente ang ilang gamit at damit ng biktima sa mismong sungay ng kalabaw.

Ilang residente rin ang umano’y sumubok na makuha ito mula sa sungay ngunit tinangka rin silang atakihin nito.

Probinsya

Atimonan mayor, kinondena pamamaslang sa 10-anyos na batang babae

Samantala, patay din ang kalabaw matapos mapilitan ang pulisya na barilin ito. Agad namang pinagkakitaan ang karne nito upang makatulong sa burol ng biktima at sa pagpapagamot sa mga nasaktang residente.

Pinag-iisipan pa ng mga residente kung dapat nga bang sampahan ng kaso ang may-ari ng naturang kalabaw. 

Kate Garcia