December 23, 2024

Home FEATURES Trending

'Ungrateful mother?' Nanay na inokray daw regalong hikaw ng anak, inulan ng reaksiyon

'Ungrateful mother?' Nanay na inokray daw regalong hikaw ng anak, inulan ng reaksiyon
Photo courtesy: Freepik

"NAKAKAIYAK naman ito. May ganito palang NANAY?"

Usap-usapan ang isang post sa page na "Celebrity Random Updates" matapos ibahagi ang screenshot mula sa isang TikTok video ng isang anak na may account na "its_over27" na nadismaya sa kaniyang ina, dahil hindi raw nagustuhan ang regalo niyang hikaw.

Mababasa sa text caption na bumili raw ng earrings o hikaw ang uploader para sa kaniyang ina at ipinabigay sa kaniyang kapatid.

"Then my sister told me na sinearch pa daw ni mama price at sabi fake at makati nung sinuot nya kaya di daw nya gagamitin at ibalik nalang sakin para ako nalang gumamit," mababasa rito.

Trending

'Healing the inner teenage phase' ng netizen sa ballpen, makaraming naka-relate

Inamin naman ng anak na ₱399 lamang ang bili niya rito, subalit ang nanay raw niya ay nag-expect ng gold at mas mahal.

Naging emosyunal daw ang anak dahil nagtatrabaho siya sa malayo at nag-effort na bilhan ang kaniyang ina subalit tila minasama pa raw nito at hindi man lamang nagpasalamat sa kaniya.

Umani naman ito ng iba't ibang reaksiyon at komento mula sa mga netizen, na mababasa sa comment section ng page na nagbahagi nito.

"Some parents are like this. It is so sad."

"Tayong mga anak matuto tayo sa mga gantong sitwasyon na wag na natin ipilit ang effort natin kung di talaga alam nong tao ang magpasalamat o mang appreciate. Ito ay isang lesson na wag na natin iparanas sa mga magiging anak natin."

"Naalala ko si nanay. Siya yung tipo na di vocal. But ramdam ko naman na grateful siya once na niregaluhan. Tatanggapin niya yung regalo mo , di ko siya maririnig magthank you pero makikita mong gagamitin niya ang bigay mo. Then tatanungin ka niya kung anong gusto mong ulam kasi lulutuin niya or if aalis siya tatanungin niya kung gusto mo sumama."

"Naalala q nanay ko, nagssugat tlga tenga nya kapag di totoong gold ung isusuot sknya.. huwag ka na magtampo ate girl, baka naman 'yan lang naisip niya..."

"me as a mom of 4 sabi k s mga anak kht worth 1.00 or 5.00 lng gift nyo sakin basta galing sa puso i will accept it i dont look sa price..effort lng sapat na"

"Baka naman kasi nagsusugat ang tenga ng mommy mo kaya ganiyan, tingnan mo lang din kung baka ganoon ang naisip niya..."

Sa comment section naman ng mismong TikTok video, ito naman ang komento ng mga netizen:

PANOORIN: https://www.tiktok.com/@its_over27/photo/7407912825516985608

"niregaluhan ako mikana necklace ng partner ko nung birthday ko August 2021 pa. nagffade sya. pero hanggang ngayon nasa akin padin. iniingatan ko"

"My daughter gave me a #mikana necklace last June before going back back here in Kuwait. Wala sa presyo yan. It's the thought that counts. And I really appreciate it knowing na galing sa ipon nya un."

"ako binilihan ko ng deerma vacuum kasi hirap na siya mag walis. tas sabi sakin 1600 lang pabirthday ko :) never ako nakareceive ng cake from her, but i always surprise her with a birthday cake."

"Honest review, may mga allergic talaga sa Mikana. Ako din nangangati."

"'sana pinera mo na lang'"

"I understand you, but I also understand your mom. Kahit ako nangati sa Mikana at namaga ang tenga. Pero pwede rin namang itago nalang ng mama mo kasi gift naman galing sayo."

"Iniisip kasi ng mga boomer na parents natin na expensive equates to quality which in turn equates to our appreciation or love for them."

Ikaw, anong masasabi mo tungkol sa isyung ito?