December 27, 2024

Home BALITA National

Pwedeng maging bagyo! Bagong LPA, posibleng mabuo sa loob ng PAR -- PAGASA

Pwedeng maging bagyo! Bagong LPA, posibleng mabuo sa loob ng PAR -- PAGASA
Courtesy: PAGASA/FB

Matapos ang bagyong Enteng, inihayag ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) nitong Huwebes, Setyembre 5, na patuloy rin nilang binabantayan ang kumpol ng ulap sa loob ng Philippine area of responsibility (PAR) na posible raw mabuo bilang isang low pressure area (LPA) at may potensyal na maging bagyo sa mga susunod na araw. 

Sa Public Weather Forecast ng PAGASA kaninang 4:00 ng madaling araw, inihayag ni Weather Specialist Benison Estareja na patuloy nilang mino-monitor ang kumpol ng ulap o cloud clusters sa silangan ng Luzon.

“Dito ay posibleng may mabuong LPA na potensyal na maging bagyo by early next week,” ani Estareja.

Samantala, sa kasalukuyan ay patuloy naman daw na nakaaapekto ang trough ng bagyong Yagi (dating bagyong Enteng) at southwest monsoon o habagat sa malaking bahagi ng bansa.

National

Agusan del Sur, nilindol ng magnitude 5.3

Ayon sa PAGASA, inaasahang magdudulot ang trough ng bagyong Yagi ng maulap na kalangitan na may kalat-kalat na pag-ulan sa Cordillera Administrative Region, Ilocos Norte, at Ilocos Sur.

Inaasahan namang magdudulot ang habagat ng malawakang pag-ulan sa Pangasinan, Zambales, Bataan, at Occidental Mindoro, at ng occasional rains sa Metro Manila, La Union, Cavite, Batangas, Rizal, Laguna, Oriental Mindoro, Northern Palawan, at mga natitirang bahagi ng Central Luzon.

Bukod dito, inaasahang ding magdudulot ang habagat ng maulap na kalangitan na may mga kalat-kalat na pag-ulan sa Quezon, Marinduque, at Romblon.

Pinag-iingat ang mga residente sa mga nasabing lugar sa posibleng pagbaha o kaya nama’y pagguho ng lupa tuwing magkakaroon ng malalakas na pag-ulan.

Medyo maulap hanggang sa maulap na kalangitan na may kasamang pulo-pulong pag-ulan o thunderstorms naman ang maaaring maranasan sa mga natitirang bahagi ng bansa dahil naman sa localized thunderstorms.

Posible rin daw ang pagbaha o pagguho ng lupa sa nasabing mga lugar tuwing magkakaroon ng malalakas na thunderstorms.