January 15, 2025

Home BALITA National

PBBM, ipinagdiwang pagbagal ng inflation nitong Agosto: 'Patuloy ang trabaho!'

PBBM, ipinagdiwang pagbagal ng inflation nitong Agosto: 'Patuloy ang trabaho!'
Photo Courtesy: Bongbong Marcos (FB)

Tinawag ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na “isang tagumpay” ang naitalang pagbagal ng inflation nitong buwan ng Agosto.

Matatandaang sa tala ng Philippine Statistics Authority (PSA) nitong Huwebes, Setyembre 5, bumagal sa 3.3% ang inflation sa bansa nitong Agosto mula sa 4.4% na datos noong buwan ng Hulyo.

MAKI-BALITA: Inflation sa 'Pinas, bumagal sa 3.3% nitong Agosto -- PSA

“Ngayong araw, ipinagdiriwang natin ang isang tagumpay para sa bawat Pilipino. Bumagsak ang inflation sa 3.3% ngayong Agosto mula sa 4.4% noong Hulyo,” ani Marcos sa isang Facebook post.

National

Davao City, inungusan Maynila; pangwalo sa 'worst traffic city' sa buong mundo

“By reducing rice tariffs, we brought rice inflation down from 20.9% to 14.7%, and meat inflation also eased from 4.8% to 4.0%, na malaking ginhawa para sa pang araw-araw na gastusin ng mga pamilya,” dagdag niya.

Ayon pa sa pangulo, palalawakin pa raw ng kaniyang administrasyon ang “KADIWA ng Pangulo” program sa Visayas at Mindanao, dahil makatutulong umano ito sa “pagsigurong abot-kaya ang bilihin para sa nakararaming Pilipino.”

“Kasabay nito, sinimulan na rin natin ang controlled roll out ng [] vaccine para sa sapat na pork supply at para maiwasan ang ‘price hike’ sa karne ng baboy. Ang ating mga aksyon para sa mas matatag na presyo ng transportasyon at gasolina ay nakatulong din sa pagpapagaan ng pasanin ng ating mga kababayan,” ani Marcos.

“These are concrete steps we’re taking to make sure that the we promised is felt where it matters most—at home.”

Kaugnay nito, nangako ang pangulo na ipagpapatuloy pa raw nila ang kanilang trabaho upang tiyakin ang magandang buhay para sa mga Pilipino.

“Patuloy ang trabaho. Ipagpapatuloy natin ang pag-usad upang matiyak na makakamtan ng bawat Pilipino ang mas komportableng buhay—sa pamamagitan ng dekalidad na trabaho at murang bilihin. Para sa bawat Pilipino, para sa !” saad ni Marcos.