December 22, 2024

Home BALITA National

Orange at Yellow warning level, nakataas pa rin sa iba't ibang lugar sa bansa--PAGASA

Orange at Yellow warning level, nakataas pa rin sa iba't ibang lugar sa bansa--PAGASA
(DOST PAGASA)

Nakataas pa rin ang orange at yellow warning level sa mga iba't ibang lugar na bansa dulot ng hanging Habagat na pinalalakas ng bagyong Enteng, na kasalukuyang nasa labas na ng Philippine Area of Responsibility (PAR), ngayong Huwebes, Setyembre 5. 

Base sa Heavy Rainfall Warning ng PAGASA na inilabasan nitong 2:00 a.m., nakataas sa orange warning ang Zambales at Bataan.

Nakataas naman sa yellow warning level ang Pampanga, Tarlac, Bulacan, Metro Manila, Cavite, Batangas at Rizal.

Bukod dito, makararanas ng light to moderate with occasional heavy rains sa Nueva Ecija, Quezon, at Laguna sa susunod na tatlong oras.

National

Romina, patuloy na kumikilos patungong Southern Kalayaan Islands

SAMANTALA, nagsuspinde na ng klase ang mga lugar sa bansa ngayong Huwebes. 

BASAHIN: #WalangPasok: Listahan ng class suspensions ngayong Huwebes Sept. 5