December 22, 2024

Home SPORTS

Ezra Madrigal wafakels, pinaulanan ng ‘boo!’ sa mismong arena

Ezra Madrigal wafakels, pinaulanan ng ‘boo!’ sa mismong arena
Photo courtesy: PVL website and screenshot from PVL YouTube channel

Tila hindi napigilan ng Premier Volleyball League (PVL) fans na ipakita ang inis nila kay Akari middle blocker Ezra Madrigal sa opening pa lang ng finals.

Sa roll call ng Akari Chargers, tila nagkaisa ang lahat ng team live sa arena at sinalubong ng boo at hiyawan si Madrigal. Mula sa dug out, tatakbo ang bawat players papuntang court kung saan sasalubungin sila ng kanilang coaching staff.

Tila wafakels naman si Madrigal na pawang nagawa pang sumenyas ang braso nito ng wala sabay iling papunta sa kaniyang teammates.

Matatandaang siya ang manlalarong umano’y nag-net touch sa kasagsagan ng laban nila kontra PLDT sa semi-finals ngunit hindi tinawagan ng fault ng referee at buong komite ng liga.

Goodbye PBA? John Amores, tinanggalan na ng professional license!

KAUGNAY NA BALITA: Semi-finals ng PVL sa pagitan ng PLDT vs Akari, nagkadayaan daw?

Ayon sa netizens, bagama’t hindi tinawagan ng fault si Ezra, maaari naman daw itong umamin at maging “fair play” ang challenge, ngunit pinandigan daw umano nito ang pandaraya na ikinatalo ng PLDT.

Samantala, hindi lang si Madrigal ang nakatikim ng gigil ng PVL fans kundi pati na ang buong koponan ng Akari kung saan tila taob ang kanilang fan base sa arena kontra sa mga sumuporta para sa Creamline Cool Smashers.

Hindi naman ito ininda ni Akari open spiker Grethcel Soltones na tila nang-asar at pangisi-ngisi pa sa court. Agad itong umani ng negatibong reaksiyon sa netizens.

“Sa ugali ka na nga lang babawi Grethcel,” komento ng isang netizens.

Tila hindi naman nagustuhan ni PLDT High Speed Hitters team captain Kath Arado ang sinapit ng koponan mula sa fans at umapela sa mga ito na huwag nang palakihin ang isyu.

“Sana talaga sa fans, huwag na nilang palakihin pa na ganoon na umabot pa sa mga player,” saad ni Arado sa isang panayam sa media.

Kate Garcia