September 19, 2024

Home SHOWBIZ

Di papatalo kina Drew at Iya: Pang-anim na anak nina Oyo at Kristine, isinilang na

Di papatalo kina Drew at Iya: Pang-anim na anak nina Oyo at Kristine, isinilang na
Photo courtesy: Screenshot from Drew Arellano (FB)/Oyo Sotto (IG)

Ibinahagi ni Oyo Sotto na naisilang na ng misis na si Kristine Hermosa ang kanilang ikaanim na anak noong Setyembre 3.

Pinangalanan nila ang baby boy na "Isaiah Timothy."

"Testimony of God’s faithfulness… You deserve all praise and glory Lord Jesus Christ! Isaiah Timothy, 9.3.24," caption dito ni Oyo.

Masayang ibinalita ng aktres na si Kristine ang tungkol sa kaniyang muling pagbubuntis sa edad na 40 noong Pebrero.

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

MAKI-BALITA: Kahit 40 na: Kristine, nabuntis pa rin ni Oyo

Ang iba pa nilang mga anak ay sina Kiel, Ondrea, Kaleb, Marvin, at Isaac na kasama sa ibinida nilang larawan sa Instagram post ni Oyo.

Karga ng ateng si Ondrea ang bunso nilang kapatid na si Isaiah Timothy.

Pero hindi rin papahuli ang mag-asawang Drew Arellano at Iya Villania matapos nilang inanunsyo ang pagkakaroon ng baby number 5, sa pamamagitan ng awiting "Mambo Number 5."

Biro tuloy ng mga netizen ay tila nagpapaunahan ang dalawang couple sa pagkompleto ng isang koponan o team ng basketball.

MAKI-BALITA: 'Basketball team na!' Drew Arellano, Iya Villania magkakaanak na naman

Pero kung afford naman nilang bumuo ng mas malaking pamilya, why not 'di ba? Lalo't ang gaganda rin kasi ng lahi nila, sabi nga, "Humayo kayo at magpakarami!"