January 23, 2025

Home BALITA National

Cassandra Ong, 'di nakadalo sa Senate hearing; kailangan manatili ng 2-3 days sa ospital

Cassandra Ong, 'di nakadalo sa Senate hearing; kailangan manatili ng 2-3 days sa ospital
screenshot: House of Representatives/YT

Hindi nakadalo sa Senate hearing ngayong Huwebes, Setyembre 5, si Cassandra Li Ong dahil bumaba ang "blood sugar" at "blood pressure" nito, ayon sa liham na ipinadala ng House of Representatives sa Senado.

Sa ipinadalang liham, inilahad dito na hindi makadadalo si Ong dahil sa kaniyang medical condition.

"Please be informed that while the Joint Committee had approved your Request, Ms. Ong is currently unwell and cannot attend the aforesaid public hearing. During our own public hearing today, Ms. Ong's blood sugar and blood pressure went to low that the Joint Committee decided to suspend the hearing and excuse her from testifying upon the advice of the attending medical doctors of the House of Representatives," anang Kamara.

Dahil dito, kailangan daw ma-confine si Ong sa isang ospital sa loob ng 2 hanggang 3 araw para ma-stabilize ang kaniyang kondisyon. 

National

PH History, ibabalik na bilang subject sa high school?

Matatandaang sa hearing ng House Quad Committee tungkol sa POGO, nitong Miyerkules ng gabi, nahilo at bumaba ang blood pressure ni Ong, na naging dahilan kung bakit na-excuse siya sa hearing.

“To put it in a nutshell, Ms. Cassandra Li Ong is quite unstable as of this moment. Definitely, as I saw earlier, her blood pressure was very low, unreadable na,” ayon sa House Physician na si Dr. Jose Luis Bautista

“Her blood pressure tight now is only 80/40. We cannot take this one in separate, blood sugar and blood pressure, it is all intertwined. That’s why I can say she is quite unstable now, one thing can affect the other thing," saad pa niya.