November 22, 2024

Home BALITA National

AR dela Serna, inispluk na may joint bank account sila ni Harry Roque

AR dela Serna, inispluk na may joint bank account sila ni Harry Roque

Inispluk ni Alberto Rodulfo "AR" dela Serna na nagkaroon sila ng joint bank account ng dati niyang employer na si Harry Roque, at aniya wala raw siyang kino-contribute roon.

Sinabi ito ni Dela Serna sa House quad-committee hearing na patungkol sa imbestigasyon ng ugnayan ng Philippine Offshore Gaming Operator (POGO) at iligal na droga, nitong Miyerkules, Setyembre 4.

Isiniwalat pa ni Dela Serna na ang pinakamalaking pumasok na pera sa kanilang joint bank account, na ngayo'y sarado na, ay nagkakahalagang P3 milyon.

"Magkano naman ang kino-contribute mo, o kinontribute mo initially doon sa joint account ninyo? tanong ni Antipolo City 2nd district Rep. Romeo Acop.

National

Ping Lacson, kinilala ambag nina PNoy, PBBM sa estado ng kaso ni Mary Jane Veloso

"Wala po akong kino-contribute po doon," sagot ni Dela Serna.

Kinumpirma rin ni Dela Serna na hindi siya nagco-contribute sa joint account pero awtorisado siyang mag-withdraw sa oras na gusto niya.

"Ganun? Nalalaman ko lang yan nang nangyayari yan sa mag-asawa, mag-ina, o mag-ama eh. Di po ba? Di ba joint account? Ano sa tingin mo, hijo?" saad pa ni Acop.

"Hindi ko naman po pinapakialaman yung pera po ni Atty. Roque," sagot naman ni Dela Serna.

Itinanong ni Acop kung bakit pumayag si Dela Serna na magkaroon ng joint account na kadalasang ginagawa ng mag-asawa at magulang sa kanilang anak.

"Inutusan lang po ako, mr. chair, sumunod lang naman po ako," anang binata.

"Pag sasabihin ba niyang lumundag ka sa bangin, lulundag ka?" sarkastiskong tanong ni Acop.

"Hindi naman po siguro mr. chair," sagot ni Dela Serna. 

Iginiit din ni Dela Serna sa kamara na ginamit lamang ang joint bank account para sa eleksyon. 

Samantala, habang isinusulat ito, wala pang pahayag si Roque tungkol sa mga isiniwalat ni Dela Serna.

---

Matatandaang naging usap-usapan sa social media si Roque matapos lumabas ang dokumentong nagsasabing pinondohan umano niya ang travel expenses ni Dela Serna sa kanilang trips sa Europe noong 2023, dahil kailangan daw niya ng kasama abroad at siya ay “diabetic.”

Ayon sa mga ulat, na-recover umano ng Presidential Anti-Organized Crime Commission (PAOCC) ang mga dokumentong may lagda ni Roque nang i-raid ng ahensya ang Philippine offshore gaming operators (POGO) hub sa Lucky South 99 compound sa Porac, Pampanga noong Hunyo.

BASAHIN: Harry Roque, pinondohan umano male pageant winner sa kanilang trips abroad

Ipinaliwanag ni Roque na tinulungan umano siya ni DeLa Serna sa kaniyang social media presence noong presidential spokesperson pa lamang siya ng administrasyong Duterte at maging noong tumakbo siya bilang senador noong nakaraang eleksyon.

BASAHIN: Harry Roque, nagsalita sa pagpondo niya sa male pageant winner sa kanilang foreign trips