January 26, 2026

Home BALITA

Alice Guo, all-smiles na tumanggi sa media: 'Hindi po muna 'ko magpapa-interview!'

Alice Guo, all-smiles na tumanggi sa media: 'Hindi po muna 'ko magpapa-interview!'
Photo courtesy: Screenshot from GMA Integrated News

Usap-usapan ang "sweet" na pagtanggi ni dismissed Bamban, Tarlac Mayor Alice Guo nang tangkaing kapanayamin ng media kung paano siya nakaalis ng bansa.

Sa video na ini-upload ng GMA News, mapapanood na sinubukang tanungin si Guo kung may "boat" o "plane" ba siya.

"Hindi po muna ako magpapa-interview," nakangiting sagot ni Guo.

Ngunit giit ng lalaking reporter, kahit iyon lamang ang sagutin niya.

National

Ogie Diaz, pinalagan sinabi ni Greco Belgica na hayaan mga 'tunay na lalaki' sa gobyerno

"Thank you," all-smiles na sagot ng dating alkalde, hudyat na hindi siya sasagot sa anumang panayam mula sa media.

Matatandaang nasukol na si Alice sa Jakarta, Indonesia at nai-turn over na ito sa Philippine authorities at iuuwi na sa Pilipinas anumang oras, para humarap sa Senado.