December 22, 2024

Home BALITA National

ALAMIN: Magkano nga ba ang nadagdag ng PBBM admin sa utang ng 'Pinas sa loob ng 2 taon?

ALAMIN: Magkano nga ba ang nadagdag ng PBBM admin sa utang ng 'Pinas sa loob ng 2 taon?
President Ferdinand "Bongbong" Marcos Jr. (Noel Pabalate/MANILA BULLETIN)

Lumubo at tila patuloy pang lumolobo ang utang ng Pilipinas sa ilalim ng administrasyon ni Pangulong Ferdinand "Bongbong" Marcos, Jr. dahil base sa huling datos ng Bureau of the Treasury nitong Hulyo 2024, pumalo sa ₱15.69 trillion ang utang ng bansa.

Base sa datos ng Bureau of Treasury, alamin kung magkano nga ba ang nadagdag sa utang ng Pilipinas mula nang umupo sa puwesto si Pangulong Marcos, Jr. noong 2022. 

JUNE 30, 2022: Nagtapos ang termino ni dating Pangulong Rodrigo R. Duterte. Iniwan niya na mayroong ₱12.79 trillion na utang ang national government.

JULY 2022 - ₱12.89 trillion

Buwan kung saan nagsimula ang panunungkulan ni Pangulong Bongbong Marcos, Jr. sa bansa.

National

Romina, patuloy na kumikilos patungong Southern Kalayaan Islands

Lumobo sa ₱12.89 trillion ang utang ng Pilipinas. Tumaas ng ₱96.09 billion mula noong Hunyo 2022. 

AUGUST 2022 - ₱13.02 trillion

Pumalo sa ₱13.02 trillion ang utang ng Pilipinas noong katapusan ng Agosto. Tumaas ito ng ₱133.64 billion mula sa huling datos noong Hulyo 2022.

SEPTEMBER 2022 - ₱13.52 trillion

Sa tatlong buwan ng panunungkulan, lumobo ng ₱13.52 trillion ang utang national government. Tumaas ng ₱495.54 billion o 3.8% ng naturang dahil sa pagbaba ng halaga ng piso kontra dolyar.

OCTOBER 2022 - ₱13.64 trillion

Umakyat sa ₱13.64 trillion ang utang ng gobyerno kung saan tumaas sa ₱123.93 billion ang utang kumpara noong Setyembre.

NOVEMBER 2022 - ₱13.64 trillion

Bagama't tila walang pagbabago mula noong Oktubre 2022, pero ayon sa Bureau of Treasury na ang debt porfolio ng gobyerno ay "marginally increased" ng ₱3.15 billion kumpara noong Oktubre. 

DECEMBER 2022 - ₱13.42 trillion

Sa pagtatapos ng taong 2022, nasa ₱13.42 trillion ang utang ng bansa nang bumaba ito ng ₱225.31 billion mula sa naitalang utang noong Nobyembre. 

Gayunman, sa taong 2022, lumobo ng kabuuang ₱1.69 trillion o 14.4% ang utang ng bansa. 

2023

JANUARY 2023 - ₱13.70 trillion

Sa pagsisimula ng 2023, lumobo sa ₱13.70 trillion ang utang ng national government. Tumaas ito ng ₱279.63 billion mula sa datos noong Disyembre 2022.

FEBRUARY 2023 - ₱13.75 trillion

Tumaas ng ₱54.26 billion ang utang ng bansa kung kaya't umabot sa ₱13.75 trillion ang kabuuang utang noong Pebrero.

MARCH 2023 - ₱13.86 trillion

Lumobo sa ₱13.86 trillion ang utang ng bansa nang tumaas ito ng ₱104.15 billion. 

APRIL 2023 - ₱13.91 trillion

Nagkaroon ng pagtaas na ₱54.24 billion sa utang ng bansa noong Abril 2023. Kaya pumalo sa ₱13.91 trillion ang kabuuang utang para sa naturang buwan.

MAY 2023 - ₱14.10 trillion

Nasa ₱185.40 billion ang halagang itinaas para sa buwan ng Mayo 2023. 

JUNE 2023 - ₱14.15 trillion

Pumalo sa ₱14.15 trillion ang utang ng bansa dahil sa ₱51.31 billion na itinaas mula sa nakaraang buwan.

JULY 2023 - ₱14.24 trillion

₱96.44 billion ang itinaas ng utang ng gobyerno noong Hunyo 2023. Kung kaya't pumalo sa ₱14.24 trillion halaga ang utang.

AUGUST 2023 - ₱14.35 trillion

Lumaki ulit ang utang nang madagdagan ito ng ₱105.28 billion mula sa nakaraang buwan. 

SEPTEMBER 2023 - ₱14.27 trillion

Kahit na medyo malaki ang itinaas noong nakaraang buwan, bumaba naman sa ₱14.27 trillion ang utang nang mabawasan ito ng ₱80.9 billion. 

OCTOBER 2023 - ₱14.48 trillion

Gayunman, makalipas muli ng isang buwan, lumaki ulit ang utang ng gobyerno dahil nadagdagan ito ng ₱212.13 billion halaga. 

NOVEMBER 2023 - ₱14.51 trillion

Lumobo sa ₱14.51 trillion ang utang ng bansa dahil tumaas ito ng ₱27.92 billion mula sa nakaraang buwan. 

DECEMBER 2023 - ₱14.62 trillion

At sa huling buwan ng taong 2023, lumobo sa ₱14.62 trillion ang utang ng Pilipinas sa ilalim ng administrasyon ni Pangulong Marcos, Jr. dahil tumaas ito ng ₱107.54 billion.

Samantala, sa kabuuan ng 2023, tumaas ng ₱1.20 trillion ang utang ng Pilipinas kumpara noong 2022 na ₱13.42 trillion. 

2024

JANUARY 2024 - ₱14.79 trillion

Sa pagpasok ng bagong taon, lumobo sa ₱14.79 trillion ang utang ng bansa, base sa datos ng Bureau of Treasury. 

Tumaas kasi ng ₱173.91 billion mula noong Disyembre 2023 ang utang. 

FEBRUARY 2024 - ₱15.18 trillion

Lumobo sa ₱15.18 trillion ang utang ng Pilipinas nang tumaas ito ng ₱338.51 billion. 

MARCH 2024 - ₱14.93 trillion

Bumaba ng ₱252.98 billion ang utang ng bansa kung kaya't may total na itong ₱14.93 trillion. Ayon sa Bureau of Treasury ito ay dahil sa "net redemption of domestic government securities."

APRIL 2024 - ₱15.02 trillion

Sa pagtatapos ng Abril 2024, muling tumaas ang pagkakautang ng Pilipinas sa ₱15.02. Ito'y matapos maitala ang ₱91.50 billion na pagtaas.  

MAY 2024 - ₱15.35 trillion

Tumaas ng ₱330.39 billion ang utang ng bansa kung kaya't pumalo na ito sa ₱15.35 trillion nitong Mayo.

JUNE 2024 - ₱15.48 trillion

Lumobo sa ₱15.48 trillion ang utang dahil sa ₱135.90 billion na pagtaas nito mula sa huling datos noong Mayo.

JULY 2024 - ₱15.69 trillion

Sa loob ng pitong buwan ng 2024, pumalo sa ₱15.69 trillion ang utang ng Pilipinas dahil sa ₱206.49 billion na pagtaas nito. 

Habang isinusulat ito ngayong Setyembre, ito pa lamang ang huling datos ng Bureau of Treasury.

KUNG SUSUMAHIN: 

2022 (₱13.42 trillion) - ₱1.69 trillion ang itinaas mula sa ₱11.92 trillion na utang noong 2021. 

"The National Government’s (NG) total outstanding debt settled at P13.42 trillion as of year-end 2022... On the other hand, full-year NG debt grew by P1.69 trillion or 14.4%.," ayon sa Treasury. 

2023 (₱14.62 trillion) -  ₱1.20 trillion ang itinaas mula sa taong 2022.

"The National Government’s (NG) total outstanding debt stood at P14.62 trillion as of end-2023, up by P1.20 trillion or 8.92% from the end-2022 level," saad ng Treasury. 

2024 (as of July 2024 ₱15.69 trillion) - maaaring humigit-kumulang ₱100 billion pataas ang itinaas mula sa taong 2023

---

Disclaimer: Ang mga impormasyong ito ay mula sa datos ng Bureau of Treasury na makikita sa kanilang website na https://www.treasury.gov.ph/.