November 27, 2024

Home BALITA

Tinatayang higit 500,000 indibidwal, naapektuhan ng bagyong Enteng

Tinatayang higit 500,000 indibidwal, naapektuhan ng bagyong Enteng
Photo courtesy: Manila Bulletin (FB)

Umabot na sa 547,029 indibidwal ang direktang naapektuhan ng bagyong Enteng at habagat mula sa kasalukuyang tala ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) nitong Miyerkules, Setyembre 4, 2024.

Sa naturang kabuoang tala ng ahensya, ang 288,110 ay nagmula sa Central Luzon habang 181,506 naman ay mula sa Bicol region at 74,030 ang mula sa Metro Manila.

Samantala, 12,742 pamilya naman ang kasalukuyang nasa 323 evacuation centers at 4,836 pamilya naman ang lumikas sa iba’t ibang lugar.

Ayon sa NDRRMC, nasa 12 ang kumpirmadong nasawi dulot ng pananalasa ng bagyong Enteng habang 7 tao pa ang nawawala at 11 ang sugatan. Taliwas ito sa datos na inilabas ng Office of Civil Defense (OCD) kung saan ayon sa kanila, ay umabot na sa 15 ang patay at 21 indibidwal na ang naiulat na nawawala pa rin.

National

QCPD, naghain ng patong-patong na reklamo laban kay VP Sara

Nauna na ring idinkelara ang pagsasailalim ng Bicol region sa state of calamity kung saan halos nasa ₱200,000 halaga ang mga nasirang imprastraktura sa buong rehiyon.

Kate Garcia