November 23, 2024

Home FEATURES

Restaurants na may pa-libreng foods kay Alice kapag bumalik ng PH, kakasa pa rin ba?

Restaurants na may pa-libreng foods kay Alice kapag bumalik ng PH, kakasa pa rin ba?

Ngayong naaresto na si dismissed Bamban, Tarlac Mayor Alice Guo at prinoproseso na ang kaniyang pagbabalik dito sa Pilipinas, kakasa pa rin ba ang mga restaurant sa pagbibigay ng libreng food and drinks sa kaniya?

Kamakailan, inilista ng Balita ang mga restaurant na nag-aalok ng “free foods” at “free drinks” kay Guo kapag nakauwi na raw ito ng Pilipinas

BASAHIN: LIST: Restaurants na may pa-libreng foods kay Alice Guo kapag nakauwi ng PH

Ang tanong, G pa rin ba kaya sila sa pagbibigay ng libreng food and drinks sa dating alkalde?

Classic movie ‘Ipaglaban Mo!’, ipinalabas ng CCP bilang kampanya vs VAWC

Anyways, para updated kayo, kinumpirma ng Presidential Anti-Organized Crime Commission (PAOCC) na naaresto na ng awtoridad si Guo sa Tangerang City, Jakarta, Indonesia nitong Miyerkules, Setyembre 4.

Kasalukuyang nasa kustodiya ng Indonesian Police sa Jatanras Mabes Polri ang dating alkalde.

Nakikipag-ugnayan na rin si Immigration Commissioner Norman Tansingco sa immigration authorities ng Indonesia para sa agarang pagbabalik ni Guo sa bansa.

BASAHIN: Dismissed Bamban, Tarlac Mayor Alice Guo, arestado na!