Niyanig ng magnitude 5.6 na lindol ang Quezon province nitong Miyerkules ng umaga, Setyembre 4.
Ayon sa Phivolcs, nangyari ang lindol bandang 7:16 a.m. sa Jomalig, Quezon.
Ang pinagmulan ng lindol ay tectonic na may lalim na 10 kilometro.
Naitala ng ahensya ang Intensity III sa Quezon City.
Samantala, walang inaasahang pinsala ngunit asahan ang aftershocks matapos ang lindol.