January 14, 2025

Home BALITA National

PBBM, sisibakin, kakasuhan mga tumulong kay Alice Guo na makaalis sa Pilipinas

PBBM, sisibakin, kakasuhan mga tumulong kay Alice Guo na makaalis sa Pilipinas
(contributed photos)

Sinabi ni Pangulong Bongbong Marcos, Jr. na hindi lang nila sisibakin kundi kakasuhan pa nila ang mga tumulong kay dismissed Bamban, Tarlac Mayor Alice Guo na makaalis sa Pilipinas no'ng Hulyo. 

Matatandaang isiniwalat ni Senador Risa Hontiveros noong Agosto 19, na nakaalis na ng Pilipinas si Guo noon pang Hulyo 18, 2024, at nagtungo sa Kuala Lumpur, Malaysia.

BASAHIN: 'Sinong may kagagawan nito?' Alice Guo, nakaalis na ng 'Pinas -- Hontiveros

At nitong Miyerkules, Setyembre 4, kinumpirma ng Presidential Anti-Organized Crime Commission (PAOCC) na naaresto na ng awtoridad si Guo sa Tangerang City, Jakarta, Indonesia.

National

Sen. Bato, 'di namumulitika sa pakikiisa sa 'National Rally For Peace'

BASAHIN: Dismissed Bamban, Tarlac Mayor Alice Guo, arestado na!

"All of those who are implicated in assisting Alice Guo to leave the Philippines illegally as a fugitive from justice will certainly pay the price," saad ng pangulo sa isang ambush interview nitong Miyerkules, Setyembre 4.

"Ang tanong niyo, sino sisibakin, hindi lang namin sila sisibakin, kakasuhan pa namin sila dahil ang kanilang ginawa ay labag sa batas at against all of the interests of the Philippine judicial system," saad pa niya.

Samantala, naglabas din ng pahayag ang pangulo nang lumabas ang mga ulat na naaresto na si Guo.

"Let this serve as a warning to those who attempt to evade justice: Such is an exercise in futility. The arm of the law is long and it will reach you. This Government continues in its duty to apply the rule of law," ani PBBM.

BASAHIN: PBBM, naglabas ng pahayag tungkol sa pagkakaaresto kay Alice Guo