November 22, 2024

Home BALITA

PBBM, nag-react sa pagsisisi ni VP Sara na nakiusap na iboto siya bilang pangulo

PBBM, nag-react sa pagsisisi ni VP Sara na nakiusap na iboto siya bilang pangulo
Photo courtesy: via Balita

Nagsalita na si President Ferdinand "Bongbong" Marcos, Jr. tungkol sa naging pahayag kamakailan ni Vice President Sara Duterte na nagsisisi umano siyang inendorso niya sa mga miyembro ng Kingdom of Jesus Christ (KOJC) ni Pastor Apollo Quiboloy ang kaniyang ka-tandem sa nagdaang eleksyon.

"Nais kong humingi ng kapatawaran sa lahat ng miyembro, deboto at bumubuo ng Kingdom of Jesus Christ, sa paghikayat at pakiusap ko sa inyong iboto si Bongbong Marcos Jr. noong 2022. Nawa'y mapatawad ninyo ako,” ani Duterte sa isang pahayag noong Agosto 25.

MAKI-BALITA: VP Sara, humingi ng patawad dahil nakiusap siyang iboto si PBBM noong 2022

Sa panayam ng ABS-CBN News kay PBBM habang nakasakay sa helicopter, sinabi niyang wala siyang magagawa kung iyon ang pananaw ng kaniyang VP, na ka-tandem niya sa ngayo'y "buwag" na UniTeam.

National

FL Liza Araneta-Marcos, nanguna sa pagbubukas ng ilang atraksyon sa Intramuros

"That’s her prerogative. I still don’t understand why. That is her wish, wala tayong magagawa," aniya.

Nang tanungin pa siya kung kailan sila huling nag-usap, sinabi ng pangulo na huling pagkikita at pag-uusap nila noong iniabot nito sa kaniya ang resignation letter bilang kalihim ng Department of Education (DepEd) bandang Hulyo.

Samantala, wala pang tugon, reaksiyon, o pahayag si VP Sara tungkol sa sinabi ni PBBM.