November 22, 2024

Home SHOWBIZ Tsika at Intriga

Kalokalike ni SB19 Stell nakatanggap ng katakot-takot na okray, pumalag

Kalokalike ni SB19 Stell nakatanggap ng katakot-takot na okray, pumalag
Photo courtesy: It's Showtime (FB)

Umalma si Jeon Cyrus, ang contestant sa nagbabalik na "Kalokalike" segment ng noontime show na "It's Showtime," matapos makatanggap ng kritisismo dahil sa paggaya niya kay SB19 member/leader Stell Ajero.

Marami kasi ang umokray sa kaniyang panlabas na anyo, na ayon sa bashers, ay malayo na raw sa hitsura ni Stell ngayon. Ilang A'TIN (tawag sa fans ng SB19) pa ang pumalag dahil inungkat daw ng bashers at haters ng grupo ang dating looks ni Stell, noong hindi pa siya sumasailalim sa enhancement.

It's Showtime - Kilalanin kung sino si SB19 STELL! ... | Facebook

Paliwanag naman ni Jeon, wala siyang masamang intensyon sa pagsali sa Kalokalike; sa katunayan, hinimok daw siya ng ABS-CBN staff na sumali rito upang ipamalas ang kaniyang talento.

Tsika at Intriga

It's Showtime hanggang December 2024 na lang daw sa GMA, papalitan ng TiktoClock?'

"My It’s Showtime ABS-CBN Experience! "

"First of all, I want to say how grateful I am for the kind messages from everyone. This will be my last post and the last time I check notifications on all my social media accounts for a while. I’m quite sensitive to hurtful words, but I prepared myself for the possibility of negative comments before accepting the offer to be seen on national TV."

Ayon kay Jeon, tanggap niya kung maraming umokray sa kaniyang panlabas na anyo, dahil aware na siya rito bago pa niya pasukin ang pagsali sa Kalokalike, pero ang hindi niya matanggap ay ang lumalabas na mga kuwentong mas dumami raw ang bashing na matatanggap ni Stell dahil sa kaniyang ginawa.

"I’m not upset by those who laughed at my appearance. Of course, our main goal at Showtime was to bring laughter and good vibes to everyone. What really broke my heart, though, is seeing people create stories that somehow, because of me, Kuya Stell might face more bashing, especially with his recent issues about 'fame shame/visual' still being fresh."

"It’s painful to read comments blaming me, saying that Kuya Stell will receive more hurtful remarks because of my appearance and nakakahiya daw sa fandom, with some even suggesting I shouldn’t have participated."

"FYI, ABS-CBN reached out to me. I didn’t want to miss an opportunity to showcase my talents and share my love for performing with everyone."

"I did my very best to give everyone a great show through my talent. But please, stop accusing me of fueling the fire that might bring more negativity towards Kuya Stell."

"I hope I made my fellow A’TIN proud by performing an SB19 song, and I’m incredibly grateful to my group TITANS for showing me love and support. Thank you, everyone!" aniya pa.

Jeon Cyruś - My It’s Showtime ABS-CBN Experience! First of... | Facebook

Samantala, wala pang tugon, reaksiyon, o pahayag si Stell kaugnay sa isyu.