December 27, 2024

Home BALITA National

Hontiveros, inaasahan pagharap ni Alice Guo sa Senado 'sa lalong madaling panahon'

Hontiveros, inaasahan pagharap ni Alice Guo sa Senado 'sa lalong madaling panahon'
MULA SA KALIWA. Senador Risa Hontiveros at Mayor Alice Guo (Photo courtesy: Sen. Risa Hontiveros/FB)

Inaasahan ni Senador Risa Hontiveros ang pagharap ng naarestong si dismissed Bamban, Tarlac Mayor Alice Guo sa Senado "sa lalong madaming panahon."

BASAHIN: Dismissed Bamban, Tarlac Mayor Alice Guo, arestado na!

Sa isang pahayag nitong Miyerkules, Setyembre 4, kinumpirma rin daw ni Hontiveros sa kaniyang Indonesian sources ang pag-aresto kay Guo. 

"Kumpirmado. Arestado na si Alice Guo. I have independently confirmed this with my Indonesian sources as well. Ako po ay nagpapasalamat sa lahat ng gumawa ng paraan para siya [ay] maaresto. Terima Kasih to our friend in Indonesia," saad ng senador.

National

Agusan del Sur, nilindol ng magnitude 5.3

Gayunman, inaasahan niya ang pagharap ng dating alkalde sa Senado sa lalong madaling panahon.

"Inaasahan ko ang pagharap ni Guo Hua Ping sa hearing ng Senado sa lalong madaling panahon. We appreciate the commitment of the NBI to turn her over to the Senate after she is processed," dagdag sa pa niya.

Sa huling bahagi ng pahayag, tila binalaan niya ang mga taong tumulong sa pagtakas ni Guo.

"At kung sinoman ang tumulong sa kaniyang pagtakas, 'di namin kayo tatantanan."

Matatandaang si Hontiveros din ang nagsiwalat noong Agosto 19, na nakaalis na ng Pilipinas si Guo noon pang Hulyo 18, 2024, at nagtungo sa Kuala Lumpur, Malaysia.

BASAHIN: 'Sinong may kagagawan nito?' Alice Guo, nakaalis na ng 'Pinas -- Hontiveros

Matatandaan ding nauna nang nahuli ang dalawang kasama ni Guo na sina Shiela Guo at Cassandra Lee Ong noong Agosto 21. 

BASAHIN: Dalawang kasama ni Alice Guo, hawak na ng Indonesian immigration office

Nakabalik naman sila ng Pilipinas noong hapon ng Agosto 22.

BASAHIN: Mga kasama ni Alice Guo na nahuli sa Indonesia, nakabalik na sa 'Pinas!

KAUGNAY NA BALITA: Sen. Gatchalian sa pag-aresto kay Alice Guo: Dapat managot siya